![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/24/Banlamgu.svg/langtl-640px-Banlamgu.svg.png&w=640&q=50)
Wikaing Amoy
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Amoy (Tsino: 廈門話; Pe̍h-ōe-jī: Ē-mn̂g-ōe), na tinatawag ding Wikaing Amoy, Diyalektong Amoy o Xiamenes, ay isang wikain ng Hokkien na sinasalita sa katimugang lalawigan ng Fujian (sa Timog-Silangang Tsina), sa lugar na nakasentro sa lungsod ng Xiamen. Ito ang isa sa mga pinaka-sinasaliksik na baryante ng Min Nan,[1] at pankasaysayang naging isa sa pamantayang baryante.[2]
Agarang impormasyon Amoy, Katutubo sa ...
Amoy | |
---|---|
Wikaing Xiamen, Diyalektong Xiamen, Xiamenes | |
廈門話 (Ē-mn̂g-ōe) | |
Katutubo sa | Pangmadlang Republika ng Tsina, Malaysia, Indonesia, Singgapura, Pilipinas, Taiwan (kung saan kilala ito bilang Taiwanes), Hapon (dahil sa malaking pamayanang Taiwanes sa lugar ng Kalakhang Tokyo-Yokohama), at ibang lugar na pinaninirahan ng mga Min Nan at Hoklo |
Rehiyon | Katimugang ng lalawigan ng Fujian |
Mga natibong tagapagsalita | halas 10 milyon (walang kasalukuyang datos) |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | – |
Glottolog | xiam1236 |
![]() Amoy | |
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA. |
Isara
Halong Wikaing Quanzhou at Zhangzhou ang parehong Amoy at Taiwanes.[3] Dahil doon, halos pareho sila ponolohikal na nakahanay. Ganoon pa man, mayroon pa ring nairal na mangilan-ngilang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa, dahilan ng pisikal na pagkaka-hiwalay at iba pang mga pangkasaysayang dahilan.