Abakada

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang Abakada ay ang isinakatutubong Alpabetong Latino ng mga wika ng Pilipinas. Ito rin ang orihinal na alpabeto ng Wikang Pambansa Batay sa Tagalog o Wikang Pambansa.[1] Ito ay naglalaman ng 20 titik.

Kasaysayan

Bago dumating ang mga Espanyol, ang karamihan ng mga wika ng Pilipinas ay sinusulat na gamit ang talapantigan ng Baybayin. Ang mga Espanyol ay ipinakilala ang Lating panitik sa Pilipinas. Noong unang kalahating bahagi ng ika-20 na siglo, ang mga Pilipinong wika ay sinusulat na gamit ang palabaybayang Kastila (ortograpiyang Espanyol). Si Dr. Jose Rizal ang unang nagmungkahi sa pagsasakatutubo ng pagsulat sa Pilipinas, sa pamamagitan ng pagpalit sa mga titik C at Q, kalakip ng ilan pang pagbabago.[2][3] Tuluyang tinanggal sa palatitikan ng Tagalog ang mga “hiram” na titik c, f, j, ñ, q, v, x at z.

Linikha ang salitang Abakada ng dating Samahan ng mga Mananagalog, mula sa pagsasama ng bigkas ng unang apat na titik ng palatitikang ito: A, Ba, Ka, Da.[4]

Dahil hindi pa naipapasapamantayan ang bagong palatitikang ito, may iilang lumitaw na mulinyo ng Abakada. Itinala ni Mamerto Paglinawan (1910) ang 20 titik ng Abakada kung saan nasa pagitan ng g at h ang ng (isinulat bilang ).[4] Itinala naman ni Demond (1935) ang 22 titik, kung saan napabilang ang hiram na titik f at ibinilang nang hiwalay ang ng at ngg. Mapapansin ding nakalagay ang k sa pusisyon nito sa alpabetong Ingles at Kastila.[5]

Kalauna’y ipinasapamantayan ang Abakada ni Lope K. Santos, kung saan may 20 titik kung saan nasa pagitan ng b at d ang k at naipabilang ang ng nang hiwalay.[6] Ang Abakada ay naging alpabeto ng wikang Tagalog at ng Wikang Pambansa na Batay sa Tagalog ayon sa mungkahi ng pagsasakatutubo ni Rizal. Sinalaunan, ang Abakada ay ginamit na rin sa mga ibang wika ng Pilipinas.

Remove ads

Ang mga titik ng Abakada

Malalaking mga titik
ABKDEGHILMNNGOPRSTUWY
Maliliit na mga titik
abkdeghilmnngoprstuwy

Mga titik

Thumb
Ang Tagalog na Pinitik ng Baybayin na nagpapakita ng mga titik na katulad sa 20 titik ng Abakada

Ang Abakada ay nakaayos ayon dito. Nandirito din ang mga pangalan ng bawat titik ay nasa loob ng mga panandang pambanggit.

A - "A"
B - "Ba"
K - "Ka"
D - "Da"
E - "E"
G - "Ga"
H - "Ha"
I - "I"
L - "La"
M - "Ma"
N - "Na"
NG -"Nga"
O - "O"
P - "Pa"
R - "Ra"
S - "Sa"
T - "Ta"
U - "U"
W - "Wa"
Y - "Ya"

Sanggunian

Tingnan din

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads