Abkhazia

From Wikipedia, the free encyclopedia

Abkhazia
Remove ads

Ang Abkasya opisyal na Republika ng Abkasya ay isang bahagyang kinikilalang estado sa South Caucasus, sa silangang baybayin ng Dagat Itim, sa pinagkurusan ng Silangang Europa at Kanlurang Asya. Ang saklaw nito ay 8,665 kilometro kuwadrado (3,346 sq mi) at may populasyon na humigit-kumulang 245,000. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Sukhumi.

Agarang impormasyon Pamahalaan ng Republikang AbkhazianGovernment of the Abkhazian Republic, Kabisera ...

Ang katayuang pampulitika ng Abkasya ay isang sentral na isyu ng tunggalian ng Abkasya at relasyon ng Heorhiya at Rusya. Kinikilala ang Abkasya bilang isang malayang estado ng Rusya, Beneswela, Nikaragwa, Nauru, at Siria; gayunpaman, kinikilala ng pamahalaan ng Heorhiya at halos lahat ng mga miyembrong estado ng Nagkakaisang Bansa ang Abkasya bilang soberanong teritoryo ng Heorhiya. Sa kawalan ng epektibong kontrol sa teritoryo ng Abkasya, nananatili ang Heorhiya bilang government-in-exile ng mga Abkasyano.[1][2][3][4][5][6]

Ang rehiyon ay may awtonomiya sa loob ng Sobyetikong Heorhiya noong panahong nagsimulang magwatak-watak ang Unyong Sobyetiko noong huling bahagi ng dekada 1980. Ang umuusok na tensyong etniko sa pagitan ng mga Abkasyano at mga Heoryano ay nagtapos sa Digmaan sa Abkasya noong 1992–1993, na humantong sa pagkawala ng kontrol ng Heorhiya sa karamihan ng Abkasya at ang ethnic cleansing ng mga Heorhyano sa mga Abkasyano. Sa kabila ng kasunduan sa tigil-putukan noong 1994 at mga taon ng negosasyon, ang hindi pagkakaunawaan ay nananatiling hindi nareresolba.

Remove ads

Mga teritoryong pampangasiwaan

    Sanggunian

    Loading related searches...

    Wikiwand - on

    Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

    Remove ads