Adbiyento

Panahon ng simbahang Kristiyano From Wikipedia, the free encyclopedia

Adbiyento
Remove ads

Ang Adbiyento o Pagdating ay ang apat na linggo ng paghahanda bago dumating ang araw ng Pasko sa pananampalatayang Kristiyano.[1] Pasimula ito ng taon ng liturhiya sa Kristiyanismong Kanluranin.

Agarang impormasyon Ipinagdiriwang ng, Uri ...

Nagmula ang pangalang Adbiyento sa salitang adventus, "pagdating" sa wikang Latin, na isinalin mula sa salitang parousia sa wikang Griyego. Sa Bagong Tipan, ginamit ang salitang ito para sa Ikalawang Pagbabalik ni Kristo. Kaya, inaasam sa panahon ng Adbiyento sa kalendaryong Kristiyano ang "pagdating ni Kristo" mula sa tatlong magkakaibang pananaw: ang pisikal na kapanganakan sa Belen, ang pagtanggap kay Kristo sa puso ng mananampalataya, at ang eskatolohikong Ikalawang Pagdating.[2]

Kabilang sa mga kaugaliang nauugnay sa Adbiyento ang mga kalendaryo ng Adbiyento, pagsindi ng korona ng Adbiyento, pagdarasal ng pang-Adbiyentong debosyon araw-araw,[3] pagtayo ng puno ng Pasko o puno ng Chrismon,[3] pagsindi ng Christingle,[4] pati na rin ang mga ibang paraan ng paghahanda para sa Pasko, kagaya ng pag-aayos ng mga palamuting pamasko,[5][6][7] isang kaugalian na ginagawa minsan sa liturhikal na paraan sa seremonya ng pagbitin ng mga halaman.[3][8]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads