Adigeya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Republika ng Adygea (IPA: /ɑːdɨˈɡeɪ.ə/;[12] Ruso: Респу́блика Адыге́я; Adyghe: Адыгэ Республик, Adıge Respublik) ay isang kasakupang pederal ng Rusya (isang republika) na nakapaloob o malapit sa Krasnodar Krai. Ang lawak nito ay 7,600 metro kkilouwadrado (2,900 sq mi) na may populasyon na 440,388 (paunang resulta ng Senso ng 2010).[8] Maykop ang kabisera nito.

Remove ads
Heyograpiya
Makikita ang Adygea sa Timog-silangang Europa sa hilagang paanan ng Kabundukang Caucasus, na kung saan kapatagan ang hilaga at bulubundukin ang katimugang bahagi. Napapalibutan ng gubat ang 40% ng nasasaklawang teritoryo.
- Lawak: 7,600 km2 (2,900 sq mi)
- Hangganan: Ang buong Adygea ay napapalibutan ng Krasnodar Krai
- Pinakamataas na punto: Bundok ng Chugush na may 3,238 m (10,623 ft)
Ilog
Ang habang 870-kilometro (540 mi) ng Ilog Kuban ay isa sa mga pangunahing ilog sa rehiyong Caucasus. Nakabubuo ito ng isang bahagi ng hangganan sa pagitan ng Adygea at Krasnodar Krai. Narito naman ang ilan pang ilog na makikita sa republika:
- Ilog Belaya
- Ilog Chokhrak
- Ilog Dakh
- Ilog Fars
- Ilog KhodzI
- Ilog Kisha
- Ilog Bolshaya Laba (forming part of the eastern border between Adygea and Krasnodar Krai)
- Ilog Psekups
- Ilog Pshish
- Ilog Sakhray
- Ilog Sukhoy Kurdzhips, which flows near the archaeological site at Mezmaiskaya cave[13]
Lawa
Walang malaking lawa ang republikang ito. Subalit, mayroon naman itong malalaking tinggalan kasama na ang:
- Tinggalan ng Krasnodarskoye
- Tinggalan ng Oktyabrskoye
- Tinggalan ng Shapsugskoye
- Tinggalan ng Tshchitskoye
Kabundukan
Ang pangunahing kabundukan ng republika ay umaabot sa taas na 2,000 hanggang 3,238 m at kasama ang:
- Bundok Chugush 3,238 m (10,623 ft)
- Bundok Fisht 2,868 m (9,409 ft)
- Bundok Oshten
- Bundok Pseashkho
- Bundok Shepsi
Likas na yaman
Mayaman sa langis at natural na gaas ang republika. Ginto, silver, tungsten, at bakal ang iba pang likas na yaman dito.
Klima
- Katamtamang temperatura ng Enero: −0.5 °C (31.1 °F)
- Katamtamang temperatura ng Hulyo: 23 °C (73 °F)
- Katamtaman baksak ng ulan sa isang taon: 70 sentimetro (28 in)
Remove ads
Talababa
Mga kawing panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads