Al-Mulk

From Wikipedia, the free encyclopedia

Al-Mulk
Remove ads

Ang al-Mulk[1] (Arabe: الملك, "Soberanya, Kaharian") ay ang ika-67 kabanata (surah) ng Quran, na binubuo ng 30 talata.[2] Binibigay-diin ng surah na walang indibiduwal ang maaring ipilit ang kanyang kalooban sa isa pang indibiduwal; maari lamang siyang magbigay gabay at magsilbing halimbawa (67:26).[3]

Agarang impormasyon الملك‎ Al-Mulk, Klasipikasyon ...
Remove ads

Buod

  • 1-3 Papuri sa Makapangyarihan, ang Manlilikha at Pinuno ng lahat ng bagay
  • 3-5 Ang kaganapan ng mga gawa ng Diyos, na makikita sa kalangitan, upang luwalhatiin siya
  • 5 Ang langit na pinagayak ng mga bulalakaw
  • 6-8 Pagpapahirap sa impiyerno na hinanda para sa hindi naniniwala
  • 8-11 Magtatapat ang mga taong walang pananampalataya sa impiyerno sa kanilang kahangalan sa pagtawag kay Muhammad bilang manlilinlang
  • 12 Makakatanggap ang matuwid ng dakilang gantimpala
  • 13-14 Alam ng Diyos ang lahat
  • 15-18 Wawasakin ng Diyos ang hindi naniniwala
  • 19-24 Ang mga hindi naniniwala ay hindi nagpapasalamat sa Diyos na pinapanatili sila sa kanilang buhay
  • 25-28 Hinahamon nila ang Propeta upang mapadali ang araw ng paghuhukom, subalit mangangamba sila sa paglapit nito
  • 29-30 Ang Maawain ang tanging tagapagtanggol ng araw na iyon [4]
Remove ads

Paglalagay at pagkakaugnay sa ibang mga surah

The ideya ng tekstuwal na ugnayan sa pagitan ng mga talata ng kabanata ay tinalakay sa ilalim ng iba't ibang pamagat tulad ng nazm and munasabah sa di-Ingles na panitikan at coherence (pagkakaugnay), text relations (mga ugnayan sa teksto), intertextuality (intertekstuwalidad), at unity (pagkakaisa) sa panitikang Ingles. Kilala si Hamiduddin Farahi, isang Islamikong pantas sa subkontinenteng Indiyano, sa kanyang gawa sa konsepto ng nazm, o pagkakaugnay, sa Quran. Sina Fakhruddin al-Razi (namatay 1209 CE), Zarkashi (namatay 1392) at ilang ibang klasiko at gayon din ang kontemporaryong pantas ng Quran ang nag-ambag sa mga pag-aaral.[5] Sa gayon, umusbong ang buong Qur'an bilang isang napakaugnay at sistematikong aklat.[6] May isang natatanging tema ang bawat paghahati. Ang mga paksa sa loob ng paghahati ay humigit-kumulang nakaayos ayon sa paghayag. Sa loob ng bawat paghahati, umaakma ang bawat kasapi ng pares sa ibang pares sa iba't ibang paraan. Ang pitong paghahati ay ang sumusunod:

Karagdagang impormasyon Pangkat, Mula ...

Kabilang ang surah na ito sa huling (ika-7) pangkat ng mga surah na nagsisimula mula Surah Al-Mulk (67) at tumatakbo sa dulo ng Quran. Sang-ayon kay Javed Ahmad Ghamidi: "Ang tema ng pangkat na ito ay Babala sa pamunuan ng Quraysh ng kinalabasan ng mga Nasa Kabilang Buhay, at naghahatid ng masayang balita kay Muhammad (sws) ng pangingibabaw ng katotohanan sa Arabia. Unti-unting aabot ang tema sa kasukdulan nito sa pamamagitan ng pagsasayos ng iba't ibang surah sa pangkat na ito."[7][8]

Karagdagang impormasyon Yugto, Mula ...
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads