Aleppo Codex

From Wikipedia, the free encyclopedia

Aleppo Codex
Remove ads

Ang Aleppo Codex (Ebreo: כֶּתֶר אֲרָם צוֹבָא Keter Aram Tzova) ay isang mediebal na nakataling manuskrito ng Bibliyang Hebreo. Ang codex ay isinulat noong ika-10 siglo CE. [1] Ito ay matagal nang itinuturing na pinaka-autoritatibong dokumentosa masorah ("pagpasa") na tradisyon kung saan iniingatan ang mga kasulatang Hebreo sa bawat henerasyon.[2] Ang mga nakaligtas na halimbawa ng panitikang responsa ay nagpapakitang ang Aleppo Codex ay pinagdulugan ng mga malalayong skolar sa buong mga Gitnang Panahon. Ang mga modernong pag-aaral ay nagpapakita ritong ang pinaka-tumpak na representasyon ng mga prinsipyong Masoretiko sa mga umiiral na manuskrito na naglalaman ng napaka-kaunting mga kamalian na tinatayang mga 2.7 milyong detalyeng ortograpiko [3] na bumubo ng tekstong Masoretiko. Dahil dito, nakikita ng maraming mga skolar ang Aleppo Codex na pinaka-autoritatibong kinatawan ng tradisyong Masoretiko sa parehong letra-teksto at bokalisasyon(niqqud at kantilasyon) nito. Gayunpaman, ang karamihan ng seksiyong Torah at maraming mga ibang bahagi ng teksto ay nawala na.

Thumb
Closeup of Aleppo Codex, Joshua 1:1
Thumb
Page from Aleppo Codex, Deuteronomy
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads