Alpabetong Penisyo

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ang alpabetong Penisyo ay isang alpabeto (para mas maging tiyak, isang abyad)[3] na kilala sa modernong panahon sa pamamagitan ng mga inskripsyong Kananita at Arameo na matatagpuan sa buong rehiyon ng Mediteraneo.

Agarang impormasyon Alpabetong Penisyo, Uri ...
Alpabetong Penisyo
Thumb
UriAbyad
Mga wikaPenisyo, Puniko.
Panahonc.1050–150 BK[1]
Mga magulang na sistema
Heroglipikong Ehipsiyo[2]
  • Proto-Sinaitiko
    • Alpabetong Penisyo
Mga anak na sistema
Mga kapatid na sistema
  • Alpabetong Timog Arabe
  • Alpabetong Moabita
ISO 15924Phnx, 115
DireksyonKanan-kaliwa
Alyas-UnicodePhoenician
Lawak ng UnicodeU+10900–U+1091F
PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong pamponetikong IPA.
Isara

Ang alpabetong Penisyo ay tinatawag ding Maagang Sulat Linyar o Early Linear script sa Ingles (sa kontekstong Semitiko, hindi konektado sa Minoeng sistema ng pagsulat), dahil isa itong maagang paglinang ng piktograpikong sulat Proto- o Lumang Kananita, patungo sa linyar, paalpabetong sulat, na nagmamarka rin ng paglipat mula sa multi-direksyonal na sistema ng pagsulat, kung saan iba-iba ang direksyon ng pagsusulat, patungo sa kontroladong sulat na pahalang at kanan-pakaliwa.[4] Ang hinalinhan nito, alpabetong Pro-Kananita, Lumang Kananita, o maagang Kanlurang Semitiko,[5][4] na ginamit sa mga huling yugto ng Hulihang Panahon ng Bronse una sa Canaan at pagkatapos sa mga kahariang Sirio-Heteo, ay ang pinakamatandang ganap na alpabeto, na nagmumula talaga sa mga heroglipikong Ehipsiyo.[6]

Ipinansulat ang alpabetong Penisyo ng mga wikang Kananita ng Simulang Panahon ng Bakal, na isinubkategorya ng mga mananalaysay bilang wikang Penisyo, Ebreo, Moabita, Amonita at Edomita, pati Lumang Aramaiko. Humantong ang paggamit nito sa Penisya (Lebante sa tabing-dagat) sa malawakang pagpapakalat nito sa labas ng sakop-Kananita, ipinakalat ng mga Penisyong mangangalakal sa buong Mediteraneo, kung saan hiniram at binago ng maraming iba pang kultura. Naging isa ito sa mga pinakamalaganap na ginagamit na sistema ng pagsulat. Patuloy na ginamit ang alpabetong Penisyo sa Sinaunang Kartago hanggang ika-2 dantaon BK (kilala bilang wikang Puniko), habang sa ibang lugar, nagbunga ito ng mga iba't ibang pambansang alpabeto, kabilang dito ang Aramaiko at Samaritano, iilang sulat Anatolyano, at mga sinaunang alpabetong Griyego. Sa Malapit na Silangan, naging labis na matagumpay ang alpabetong Arameo, na umakay sa parisukating sulat Ebreo at sulat Arabe, bukod sa iba pa.

Binubuo ang "Penisyong tumpak" ng 22 katinig lamang, habang pahiwatig ang mga tunog-patinig, ngunit ginagamit ng mga ilang huling baryante ang matres lectionis para sa mga ilang patinig. Dahil inukit ang mga titik gamit ang panulat, karamihan ng mga titik ay anggular at matuwid, ngunit unti-unting sumikat ang mga kursibang bersyon, na humantong sa alpabetong Neo-Puniko ng Hilagang Aprika sa panahong Romano. Kadalasan, kanan-pakaliwa ang pagsulat ng Penisyo, pero sa mga ilang teksto, nagsasalisi ang direksyon (bustropedon).

Karagdagang impormasyon Titik, Pangalan ...
Titik Pangalan Kahulugan Numerong halaga Transliterasyon Kaukulan titik sa
Ebreo Arabe Griyego Latin
Aleph ʾāleph kapong baka1ʾא ΑαAa
Beth bēthbahay2 bבΒβ Bb
Gimel gīmelpanghilagpos/kamelyo3g גΓγCc, Gg
Daleth dālethpinto4d דΔδDd
He dungawan5hה ΕεEe
Waw wāwkawit6wו  ϝ), Υυ Ff, Uu, Vv, Ww, Yy
Zayin zayinsandata7zז ΖζZz
Heth ḥēth bakod8 חΗηHh
Teth ṭēth gulong9 טΘθ
Yodh yōdhbisig/kamay10yי ΙιIi, Jj
Kaph kaphpalad20kכ ΚκKk
Lamedh lāmedhpatpat30 lלΛλ Ll
Mem mēmtubig40mמ ΜμMm
Nun nunahas50 nנΝν Nn
Samekh sāmekhisda60 sסΞξ, Χχ Xx
Ayin ʿayinmata70 ʿע ΟοOo
Pe bibig80pפ ΠπPp
Sade ṣādē papirus90 צ(Ϻϻ)
Qoph qōphbutas ng karayom100q ק(Ϙϙ)Qq
Res rēšulo200 rרΡρ Rr
Sin šinngipin300š שشΣσSs
Taw tāwsagisag400 tתΤτ Tt
Isara


Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.