Amag

From Wikipedia, the free encyclopedia

Amag
Remove ads

Ang amag (Ingles: mold o mildew)[1] ay iba't ibang mga halamang-singaw na na tinatakpan ang ibabaw sa anyong malambot at mabulang miselyo (mycelia) at kadalasang lumilikha ng maraming mga spore (pinakaraniwang ang aseksuwal na mga spore ngunit minsan seksuwal).

Thumb

Tumutubo ang mga amag sa mga materya ng gulay o hayop, karaniwang bilang isang balot na malambot o mabalahibo. Karaniwang tanda ito ng pagkabulok o pagkabasa. Hindi partikular ang mga amag sa pangkat ng taksonomiya o piloheniya - matatagpuan sila sa mga dibisyon ng Zygomycota, Deuteromycota at Ascomycota.

Kadalasang nangangahulugang pagkabulok ang pagkakaroon ng amag, bagamang may mga amag na sadyang inaalagaan; halimbawa para sa paggawa ng ilang uri ng keso, at para sa produksiyon ng mga antibiyotiko na hinango mula sa likas na pangsanggalan ng organismo sa bakterya.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads