Ammon

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ammon
Remove ads

Padron:History of Jordan Ang Ammon (Ammonite: 𐤏𐤌𐤍 ʻAmān; Ebreo: עַמּוֹן ʻAmmōn; Arabo: عمّون, romanisado: ʻAmmūn) ay isnag bansa sa Sinaunang Malapit na Silangan na matatagpuan sa Ilog Hordan sa pagitan ng mga lambak ng Arnon at Jabbok sa kasalukuyang Jordan.[1][2]Ang pangunahing siyudad nito ang The Rabbah o Rabbat Ammon na lugar ng modernong kabisera ng Jordan na Amman. Milcom at Moloch ay pinangalanan sa Tanank na mga pambansang Diyos ng Ammon. Ang mga Ammoneo ay tumiral sa Talampas na Trans-Hordan mula ika-2 milenyo BCE hanggang ika-2 siglo CE. Ang Ammon ay naging independiyente mula sa Imperyong Neo-Asirya (ika-10 hanggang ika-7 siglo BCE) sa pamamagitan ng pagbibigay ng tributo sa mga hari nito nang sakupin ng Asirya ang mga kaharian sa rehiyon. Ang Mga Monolitang Kurkh ay nagtatala sa mga hukbo ng haring Ammoneo na si Baasha ben Ruhubi kasama ng mga hukbo ni Ahab na hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) laban kayShalmaneser III sa Labanan ng Qarqar noong ca. 853 BCE na posibleng mga basalyo niHadadezer na hari ng Aram. Noong 734 BCE, ang haring Ammoneo na si Sanipu ay naging basalyo ni Tiglath-Pileser III at ang kahalili ni Sanipu na si Pudu-ilu ay nagkaroon ng parehong posisyon sa ilalim ni Sennacherib (r. 705–681) at Esarhaddon (r. 681–669).[3] Kalaunan, ang haring Ammoneo na si Amminadab I (Padron:Floruit) ang isa sa mga tributaryong nagdusa sa kampanya ni Assurbanipal.

Agarang impormasyon Kaharian ng Ammon𐤏𐤌𐤍, Katayuan ...
Thumb
Statue of an Ammonite deified King on display at the Jordan Museum. The statue was found near the Amman Citadel and is thought to date to 8th century BC.
Thumb
An Ammonite watch tower at Rujm Al-Malfouf in Amman
Thumb
Qasr Al Abd was built by the governor of Ammon in 200 BC
Thumb
David punishing the Ammonites, by Gustave Doré
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads