Amsterdam

From Wikipedia, the free encyclopedia

Amsterdammap
Remove ads

Ang Amsterdam (bigkas: AMS-ter-dam) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod sa Olanda. Ang kasalukuyang tungkulin ng Amsterdam bilang kabisera ng Kaharian ng Olanda ay pinangangasiwaan ng saligang-batas ng 24 Agosto 1815 at mga kasunod[1] nito. Ang Amsterdam ay may populasyon[2] na 780,152 sa loob ng pinaka-lungsod, 1.2 milyon kung kasama ang mga karatig-pook at 2.1 milyon naman sa buong kalakhan. Ang lungsod ay nasa lalawigan ng Hilagang Olanda sa bandang kanluran ng bansa. Kinalalagyan nito ang hilagang bahagi ng Randstad, and ika-anim na pinakamataong kalakhan sa Europa, na may populasyon na 8.1 milyon ayon sa ilang mga pagtataya.

Agarang impormasyon Bansa, Lokasyon ...

Ang pangalan nito ay kinuha mula sa Amstelredamme[3], na nagsasabi ng pinagmulan ng lungsod: isang dam ("pang-harang") sa Ilog Amstel. Tinirahan habang isang maliit na bayang palaisdaan noong kahulihan ng ika-12 siglo, ang Amsterdam ay naging isa sa pinakamahalagang daungan sa daigdig noong Ginintuang Panahon ng mga Olandes, na dala ng pag-unlad sa kalakalan. Noong mga panahong iyon, ang lungsod ay nangunguna pagdating sa pinansiya at mga dyamantes.[4] Noong ika-19 at ika-20 siglo, lalong lumawak ang lungsod, at maraming bagong mga pamayanan at karatig-pook ang naitaguyod. Ang mga daang-tubig (Inggles: canal; Olandes: Grachtengordel) na ginawa noong ika-17 siglo ay idinagdag sa UNESCO World Heritage List noong Julyo 2010.

Remove ads

Mga Kawing Panlabas

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads