Pagsusuri
proseso ng paglalapat ng mga analitikal na pamamaraan sa umiiral na datos ng isang partikular na uri, paghihimay ng paksa sa mas maliliit na bahagi upang makakuha ng mas mainam na pag-unawa dito From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang pagsusuri, analisis, o paglilitis[1] (Ingles: Analysis) ay ang proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging mas maliliit na mga bahagi; upang makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito. Ang tekniko ay ginamit sa pag-aaral ng matematika at lohika bago pa man ang panahon ni Aristotle (384–322 BK), bagaman ang analisis ay isang pormal na konsepto o diwa na halos kamakailan lamang umunlad.[2]

Remove ads
Etimolohiya
Ang salitang analisis ay nagmula sa pinagsamang mga salitang Griyegong ἀνάλυσις (analusis, "ang paghihiwa-hiwalay", mula saana- "pataas, sa kabuoan" at lysis "isang pagluluwag").[3]
Kasaysayan
Bilang isang nagsasariling paksa, ang analisis ay nilikha noong ika-17 daantaon noong panahon ng himagsikang pang-agham.[4] Bilang isang pormal na konsepto, ang metodo ay ibinubunton na nagmula kina Alhazen,[5] René Descartes (Diskurso sa Metodo), at Galileo Galilei. Idinidikit din ito kay Isaac Newton, sa anyo ng isang praktikal na metodo ng pagtuklas na pisikal (na hindi niya pinangalanan o pormal na inilarawan).
Remove ads
Tingnan din
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads