Android

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang Android ay isang operating system na Linux-based na dinisenyo para sa mga touchscreen na mga mobile na device tulad ng mga smartphone at mga tablet. Sa una binuo ito ng Android, Inc., na binili ng Google noong 2005, ang Android ay nahayag noong 2007 kasama ang pagtataguyod ng Open Handset Alliance: isang kasunduan ng hardware, software, at telecommunication na kompanya na nakatuon sa pagsulong ng mga bukas na pamantayan para sa mga mobile na device. Ang unang phone na Android ay nabenta noong Oktubre 2008.

Agarang impormasyon Gumawa, Sinulat sa ...
Remove ads

Ang Android ay open-source at ang Google ay naglabas ng code sa pamamagitan ng Apache License. Itong code na open-source at paglilisensyang mapagpahintulot ay nagbibigay-daan sa software upang ma-modify na malaya at maibigay ng mga tagagawa ng mga device, mga wireless carrier at mga developer na enthusiast. Bukod pa rito, ang Android ay may malaking komunidad ng mga developer na nagsusulat ng mga application na extend ang functionality ng mga device na nakasulat sa isang customized na bersyon ng Java programming language. Noong Oktubre 2012, mayroong 700,000 apps na magagamit para sa Android, at ang tinatayang bilang ng mga application na-download mula sa Google Play, ang pangunahing tindahan ng mga app ng Android, ay 25 bilyon. Ang isang developer survey na isinagawa noong Abril - Mayo 2013 ay nahanap na ang Android ay ang pinakasikat na plataporma para sa mga developer, nagamit ng 71% ng populasyon ng mga mobile developer.

Remove ads

Mga bersyon ng Android

Karagdagang impormasyon Kodigong Pangalan, Numerong bersyon ...

Ang mga bersyon na ito ay nakabase sa pangalan ng konpeksyonari o matamis na pagkain.

Remove ads

Sanggunian

Loading content...

Mga kawing panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads