Panday (komiks)
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Panday, na Flavio ang tunay na pangalan, ay isang kathang-isip na karakter sa komiks mula sa Pilipinas na nilikha nina Carlo J. Caparas (kuwento) at Steve Gan (guhit). Unang nailathala ang kanyang pakikipagsapalaran sa serye ng mga komiks na Ang Panday sa Pilipino Komiks noong huling bahagi ng dekada 1970. Pumasok at naging tanyag ang karakter sa popular na kultura sa Pilipinas nang lumabas ang unang pelikula batay sa karakter na Ang Panday noong 1980 at si Fernando Poe Jr. ang gumanap na Flavio at si Max Alvarado naman ang kontrabidang si Lizardo. Simula noon, nagkaroon ng tatlong karugtong na mga pelikula at nagkaroon din na mga pelikula at mga palabas sa telebisyon na maluwag na binatayan ang unang pelikula kabilang ang isang animisayong serye sa telebisyon.
Remove ads
Sa ibang midya
Mga pelikulang tinanghal ang karakter na Panday
- 1980: Ang Panday
- 1981: Ang Pagbabalik ng Panday
- 1982: Ang Panday: Ikatlong Yugto
- 1984: Ang Panday IV: Ikaapat na Aklat
- 1993: Dugo ng Panday
- 1998: Hiwaga ng Panday
- 2009: Ang Panday
- 2011: Ang Panday 2
- 2017: Ang Panday
Mga palabas sa telebisyon na tinanghal ang karakter na Panday
- 1980s: Panday (animated series)
- 2005: Carlo J. Caparas' Panday
- 2010: Panday Kids
- 2016: Ang Panday
Remove ads
Mga tanda
- Batay sa ibang sanggunian, unang nailathala Ang Panday noong 1976.[4]
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads