Angono

bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Rizal From Wikipedia, the free encyclopedia

Angonomap
Remove ads

Ang Angono (pagbigkas: a•ngó•no) ay isang Unang Klaseng bayan sa lalawigan ng Rizal, Pilipinas. Ito ay nasa 30 km silangan ng Maynila. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 130,494 sa may 30,291 na kabahayan.

Agarang impormasyon Angono Bayan ng Angono, Bansa ...

Itinatag ito bilang isang pueblo noong 1766 at naging bayan noong 1935. Natamasa nito ang kaunlaran sa paglipas ng panahon. Nagsimula ito bilang isang maliit na bayang nagsasaka at nangingisda, ngunit umunlad sa isang makabagong bayan na nagkaroon ng madaming maliliit at katamtamang laking mga negosyo, na karamihan ay mga bangko na nagsitayo ng mga sangay sa bayan. Ang mga sikat na fastfood at iba pang mga establisyamento ay nagkaroon din ng mga sangay. Ang bayan ay may makabagong sistemang pangtelekomunikasyon, na nagbibigay ng serbisyo sa hattinig (telepono), Cable TV, serbisyong internet atbp.

Kilala rin ang bayan ng Angono bilang Kabisera ng Sining ng Pilipinas. Tahanan ito ng dalawang Pambansang Artista ng Pilipinas, si Carlos V. Francisco para sa Pagpipinta (1973) at Lucio D. San Pedro para sa musika (1991). Kilala rin ang bayan dahil sa pinakamatandang gawa ng sining sa Pilipinas, ang Angono Petroglyphs subalit ito ay nasa hangganan ng Angono, Binangonan at Antipolo sa lalawigan ng Rizal.

May mangilan-ngilang na tanghalan ng sining at istudiyo sa Angono at ito ang talaan ng iba sa kanila:

  1. Blanco Family Museum, Nemiranda Arthouse & Gallery Naka-arkibo 2009-06-30 sa Wayback Machine.
  2. Tiamson Art Gallery
  3. Ang Nuno Artists Foundation Gallery
  4. Village Artist Gallery
  5. Juban Studio, # Vicente Reyes Art Studio
  6. The Second Gallery
  7. The Angono Ateliers Gallery.

Si Papa Clemente I, na mas kilala bilang San Clemente, ay ang santong patron ng Angono at ng karamihan ng mga bayan sa Pilipinas, ay isang pista na pinagdiriwang taon-taon. Ang pagdiriwang na ito tuwing Nobyembre 23 ay pinapaganda ng mga prusisyon na kilala bilang "pagoda", at dinadaluhan ng mga katututbo at ng mga turista.

Remove ads

Mga barangay

Ang bayan ng Angono ay nahahati sa 10 mga barangay.

  • Bagumbayan
  • Kalayaan
  • Poblacion Ibaba
  • Poblacion Itaas
  • San Isidro
  • San Pedro
  • San Roque
  • San Vicente
  • Santo Niño
  • Mahabang Parang

Demograpiko

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...

Noong senso 2015, ang populasyon ng Angono, ay 113,283 katao, na may kapal na 4,300 katao kada kilometro kuwadrado o 11,000 katao kada milya kuwadrado.

Remove ads

Mga sanggunian

Mga Kawing Panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads