Archilochus
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Archilochus, o Archilochos (Griyego: Ἀρχίλοχος) (c. 680 BCE – c. 645 BCE),[2] ay isang makata buhat sa pulo ng Paros noong panahong Arkaiko ng Gresya na ipinagdiriwang dahil sa kanyang pabagu-bago at paiba-ibang paggamit ng mga metrong pantula at bilang ang pinakamaagang nakikilang may-akdang Griyego na kumatha ng halos ang kabuuan ay ukol sa tema ng kanyang mga damdamin at mga karanasan.[3][4] Isinama siya ng mga dalubhasa ng Alexandria sa kanilang kanonikong talaan ng mga makatang iambiko, sa piling nina Semonides at Hipponax,[5] ngunit ibinibilang din siya ng sinaunang mga tagapagpaliwanag o mamumuna sa piling nina Tyrtaeus at Callinus bilang ang maaaring imbentor ng elehiya.[6] Subalit madalas siyang binibigyang katangian ng makabagong mga manunuri bilang payak na isang makatang liriko.[7] Bagaman ang kanyang mga akda ay umiiral na lamang sa ngayon bilang mga kaputol, ipinamimitagan at iginagalang siya ng sinaunang mga Griyego bilang isa sa kanilang pinakamaningning na may-akda, na nagkaroon ng kakayahan upang mabanggit na kapantay nina Homer at Hesiod,[8] kahit na pinipintasan siya ng mga ito bilang isang arketipal na makata ng paninisi o pagbibintang[9] — ang kanyang mga paniniphayo o pangungutya ay nasabi rin na nakapagtaboy sa kanyang dating kasintahang mapapangasawa sana at ang kanyang ama upang magkamit ng pagpapakamatay.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads