Arkitekto

From Wikipedia, the free encyclopedia

Arkitekto
Remove ads

Ang arkitekto ay isang tao na nagplaplano, nagdidisenyo, at nangangasiwa ng pagtayo ng mga gusali.[1] Ang pag-aaral ng arkitektura ay nangangahulugan ng pagbigay serbisyo sa pagdisenyo at pagtayo ng mga gusali at ang mga espasyo na nakapalibot dito, kung saan ang pangunahing layunin ay para sa tao.[2] Ang "arkitekto" ay galing sa salitang Latin na "architectus"[3] na nanggaling naman sa salitang Griyego[4] na archi-, pinuno + tekton, manggagawa.[5]

Thumb
Isang arkitekto na nagtratrabaho noong 1893.

Ang desisyon ng arkitekto ay nakakaapekto sa kaligtasan ng publiko, kaya't ang arkitekto ay dapat sumailalim sa espesyal na pagsasanay na mayroong mataas na edukasyon[6] at praktikum para sa praktikal na karanasan upang makakuha ng lisensya sa pagensayo ng arkitektura. Ang mga praktikal, teknikal, at pang-akademiyang pangangailangan para maging arkitekto ay nagiiba sa bawat hurisdiksyon.

Ang salitang "arkitekto" at "arkitektura" ay ginagamit din sa arkitekturang pang-dagat, arkitekturang pang-tanawin at teknolohiyang pang-impormasyon. Ang propesyonal at komersyal na paggamit ng mga terminong "arkitekto" at "arkitekturang-pangtanawin" ay naproprotektahan ng batas.

Remove ads

Arkitektura

Sa karamihan ng mga mauunlad na bansa, tanging ang mga may wastong lisensiya, sertipikasyon, o rehistrasyon sa isang kaugnay na ahensiya (madalas ay pamahalaan) lamang ang maaaring legal na magsagawa ng propesyon ng arkitektura. Karaniwan, ang ganitong paglilisensya ay nangangailangan ng digri sa unibersidad, matagumpay na pagpasa sa mga pagsusulit, at isang yugto ng pagsasanay.[7] Ang pagpapakilalang sarili bilang isang arkitekto sa pamamagitan ng paggamit ng mga termino at pamagat ay nililimitahan ng batas para lamang sa mga lisensiyadong indibiduwal, bagaman sa pangkalahatan, ang mga katulad na tawag gaya ng tagadisenyo ng arkitektura ay hindi protektado ng batas.

Ang pagsasagawa ng arkitektura ay nangangahulugan ng kakayahang magsagawa nang walang superbisyon. Sa kabilang banda, ang katawagang propesyonal sa pagdidisenyo ng gusali (o propesyonal sa disenyo) ay mas malawak at tumutukoy din sa mga propesyonal na nagsasagawa nang malaya sa ilalim ng ibang propesyon, gaya ng mga inhinyero, o sa mga tumutulong sa gawaing pang-arkitektura sa ilalim ng superbisyon ng isang lisensiyadong arkitekto, gaya ng mga intern o nagsasanay na arkitekto. Sa maraming lugar, may mga indibiduwal na hindi lisensiyado subalit nakapagsasagawa pa rin ng mga serbisyo sa disenyo na hindi saklaw ng mga propesyonal na limitasyon, gaya ng pagdidisenyo ng mga bahay o iba pang maliliit na istruktura.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads