Ascea

From Wikipedia, the free encyclopedia

Ascea
Remove ads

Ang Ascea ay isang komuna sa lalawigan ng Salerno sa rehiyon ng Campania sa timog-kanlurang Italya. Sa komunal na teritoryo ay ang mga Griyegong guho ng Velia. Ito ay bahagi ng tradisyonal na pook ng Cilento; ang baybaying panturistang bahagi ng munisipyo ay ang Marina di Ascea. Matatagpuan ang bayan sa dalampasigan at sikat sa mga turistang Europeo tuwing mga buwan ng tag-init.

Agarang impormasyon Bansa, Rehiyon ...
Remove ads

Pisikal na heograpiya

Teritoryo

Ang Ascea ay tumataas sa isang burol na malapit sa sarili nitong "Marina", sa humigit-kumulang 235 m mula sa taas ng dagat. Ang bayan ay nahahati mula sa munisipalidad ng Pisciotta, sa pamamagitan ng isang fjord na tinawid ng SS 447. Ang fjord na ito, sa gilid ng "asceoto" kung saan tumataas ang isang toreng Borbon, ay humigit-kumulang 2 km mula sa bayan. Ito ay matatagpuan sa Pambansang Liwasan ng Cilento at Vallo di Diano. Ang bayan ay humigit-kumulang 5 km mula sa Velia, 9 km mula sa Pisciotta, 15 mula sa Vallo della Lucania at 95 km mula sa Salerno.

Remove ads

Tingnan din

  • Cilento
  • Baybaying Cilentana
  • Parmenides
  • Elea

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads