Assam

From Wikipedia, the free encyclopedia

Assammap
Remove ads

Ang Assam (listen) ay isang estado ng Hilagang-silangang Indiya, na matatagpuan sa timog ng Silangang Himalaya sa kahabaan ng mga lambak ng Brahmaputra at Ilog Barak. Ang Assam ay may lawak na 78,438 km2 (30,285 mi kuw). Ito ay pinamamagitan ng Bhutan at ng estado ng Arunachal Pradesh sa hilaga; Nagaland at Manipur sa silangan; Meghalaya, Tripura, Mizoram at Bangladesh sa timog; at Kanlurang Bengal sa kanluran, sa pamamagitan ng Koridor ng Siliguri na isang kapiraso ng lupa na may haba na 22 kilometro (14 mi) na nag-uugnay sa mga natitirang estado ng India.

Agarang impormasyon Bansa, Pagkaestado† ...

Kilala ang Assam sa paggawa ng tsaa at sutla. Pinangangalagaan at nililigtas ng estado mula sa pagkaubos ang mga rinosero ng Indiya na iisa ang sungay, kasama na ang mga ligaw na kalabaw, mga pygmy hog, mga tigre at marami pang uri ng mga ibong asyatiko, at nananatiling isa sa mga huling tahanan ng mga Asyanong elepante. Nakatutulong ang turismong naturalesa sa ekonomiya ng Assam dahilan ng Kaziranga National Park at Manas National Park, na kung saan ay mga Pandaigdigang Pamanang Pook. Mga gubat ng punong sal ang kadalasang makikita sa lugar, dahilan ng palagiang pag-ulan, na nagmumukhang berde sa buong taon. Ang Assam ay nakatatanggap ng mas maraming pag-ulan kaysa sa ibang lugar sa India; na siya namang pumupunta sa Ilog Brahmaputra at mga tributaryo nito na nagbibigay sa rehiyon ng matubiging kapaligiran.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads