Atsuko Maeda

From Wikipedia, the free encyclopedia

Atsuko Maeda
Remove ads

Si Atsuko Maeda (前田 敦子, Maeda Atsuko, ipinanganak noong July 10, 1991 sa Ichikawa, Chiba) ay isang Hapon na aktres at mang-aawit. Siya ay dating miyembro ng grupong AKB48 at isa sa mga pinakakilalang miyembro ng grupo noong panahong iyon, na itinuturing na "absolute ace", "immovable center" ng grupo, at ang "Mukha ng AKB." Pagkatapos umalis sa AKB48 noong 2012, si Maeda ay nagpatuloy sa kanyang solo singing at acting career.

Sa pangalang Hapones na ito, ang apelyido ay Maeda.
Agarang impormasyon 前田 敦子, Kabatiran ...
Remove ads

Karera

Bilang miyembro ng AKB48

Noong taong 2006, inilabas ng AKB48 ang "Aitakatta" sa kanilang major label na Defstar Records. Bago ang "Aitakatta", may dalawa pang single na inilabas bilang mga independent record. Para sa mga kantang ito, 20 na miyembro ang pinili mula sa 36 na miyembro ng Team A at Team K. Si Maeda ay isa sa mga napiling mga miyembro, at siya rin ang naging pangunahing miyembro sa promotional video ng kantang ito. Simula noon, lumalabas na siya sa harap ng bawat single na inilalabas nila. Sa ika-12 na single nila na "Namida Surprise", mayroong kalakip na tiket sa loob para sa halalan ng magiging senbatsu ng AKB48, kung saan boboto ang kanilang mga tagahanga kung sino ang nais nilang maitampok sa susunod na single. Nanalo si Maeda na nakakuha ng 4630 na bilang ng boto, at kinilala bilang pinaka-tanyag na miyembro ng AKB48 at siya ring magiging sentro ng kanilang ika-13 na single, "Iiwake Maybe".[1] Subalit noong taong 2010, isa pang halalan ang ginanap, at sa pagkakataong ito natalo siya kay Yuko Oshima, na nakakuha 31,448 bilang ng boto, samantalang 30,851 na bilang ng boto naman ang nakuha ni Maeda, na siyang dahilan ng pagkakatampok ni Yuko bilang sentro ng kanilang ika-17 na single, "Heavy Rotation".[2] Sa parehas ding taon, ginanap ang isang kakaibang uri ng halalan para sa Senbatsu, ang AKB48 Janken Senbatsu Tournament. Ang mga miyembro na kasali sa nasabing torneo ay maglalaban sa pamamagitan ng larong bato-bato-pik, at ang natitirang labing-anim na miyembro ang maibibilang sa Senbatsu para sa ika-19 na single "Chance no Junban". Nagtapos si Maeda sa ika-15 na puwesto, sa kanyang pagkakatalo kay Maeda Ami. Ang nanalong miyembro ay si Mayumi Uchida, unang pagkakataon na isang hindi gaano kilalang miyembro ang magiging sentro ng isang single.[3] Sa taong 2011, ginanap ang ikatlong halalang para sa senbatsu ng AKB48. Sa unang mga resulta, si Yuko Oshima ang nangunguna para sa unang puwesto. Subalit sa huli, nakuha ni Maeda ang unang puwesto na may 139,892 bilang ng boto, samantalang si Yuko Oshima naman ay nakakuha ng 122,843 bilang ng boto, kung saan 17049 na bilang ng boto ang kanilang agwat.[4]

Noong 25 Marso 2012, sa isang AKB48 Concert sa Saitama Super Arena, inanunsiyo ni Maeda na aalis na siya sa AKB48. Nagdala ng malaking buzz sa Japanese news at nagbunga ng tsismis (na kalaunan ay napatunayang mali) na isang estudyante mula sa Unibersidad ng Tokyo ang nagpakamatay dahil sa anunsyo. Kalaunan ay inanunsyo ng AKB48 na aalis si Maeda pagkatapos ng mga konsyerto sa Tokyo Dome. Ang kanyang graduation ceremony ay ginanap noong 26 Agosto 2012 at ang kanyang huling pagtatanghal sa AKB48 theater ay ginanap kinabukasan, 27 Agosto 2012.

Bilang isang Solo artist

Noong April 23, 2011, inihayag ni Maeda sa isang handshake event ng AKB48 sa Nagoya Dome na siya ay magiging isang solo artist; ang kanyang unang single ay may pamagat na "Flower", isa sa mga kanta sa Moshidora; isang pelikula kung saan gumanap si Maeda bilang pangunahing tauhan na inilabas noong June 22, 2011.[5][6] Siya ang ikalawang miyembro ng AKB48 na naglabas ng solo na single pagkatapos ni Tomomi Itano, sa kanyang single na "Dear J".

Bilang isang Aktres

Noong 2007, gumanap si Maeda sa pelikulang "Ashita no Watashi no Tsukurikata" (「あしたの私のつくり方」), na siyang kanyang unang pagtatanghal bilang isang aktres. Sinimulan niya ang pag-shoot sa pelikula noong August 20, 2006 at nagtapos noong Setyembre. Pagkatapos nito, gumanap na rin siya sa iba't ibang mga drama tulad ng "Majisuka Gakuen" at" Q-10".

Si Maeda, kabilang ang isa pang miyembro ng AKB48 na si Minegishi Minami, ay nagtampok sa pelikulang Moshidora, na inilabas noong June 4, 2011; hudyat ng kanyang unang pagkakataon na gumanap bilang isang pangunahing tauhan bilang isang aktres sa isang pelikula. Gumanap si Maeda bilang si Minami Kawashima, isang mag-aaral sa mataas na paaralan, na siyang naging tagapamahala ng kanilang koponan sa baseball. Sinusubukan niyang maipasok ang koponan sa National High School Baseball Championship sa pamamagitan ng mga istratehiya mula sa libro ni Peter Drucker na Management.

Sa taong 2011, gumanap siya bilang si Mizuki Ashiya sa drama na Hanazakari no Kimitachi e, isang remake ng naunang 2007 drama series.

Remove ads

Personal na buhay

Ikinasal si Maeda sa aktor na si Ryo Katsuji noong 30 Hulyo 2018.[7] Nanganak siya ng isang lalaki noong 4 Marso 2019.[8] Noong 23 Abril 2021, ibinalita ni Maeda na nag-hiwalay na sila.[9]

Discoriograpiya

Solo singles

  • "Flower" (June 22, 2011)
  • "Kimi wa Boku da" (君は僕だ) (June 20, 2012)
  • "Time Machine Nante Iranai (タイムマシンなんていらない) (September 18, 2013)
  • "Seventh Chord" (セブンスコード) (March 5, 2014

DVD

  • "Mubōbi" (「無防備」) (16.02.2009)

Solo album

  • "Selfish" (June 22, 2016)

Halalan ng Senbatsu ng AKB48

  • Unang puwesto sa Unang halalan ng Senbatsu, taong 2009
  • Ikalawang puwesto sa Ikalawang halalan ng Senbatsu, taong 2010
  • Unang puwesto sa Ikatlong halalan ng Senbatsu, taong 2011.

AKB48

Senbatsu
  • Sakura no Hanabiratachi
  • Skirt, Hirari
  • Aitakatta
  • Seifuku ga Jama wo Suru
  • Keibetsu Shiteita Aijou
  • Bingo!
  • Boku no Taiyou
  • Yuuhi wo Miteiru ka?
  • Romance, Irane
  • Sakura no Hanabiratachi 2008
  • Baby! Baby! Baby!
  • Oogoe Diamond
  • 10nen Zakura
  • Namida Surprise!
  • Iiwake Maybe
  • River
  • Sakura no Shiori
    Majisuka Rock 'n' Roll
  • Ponytail to Chouchou
    Majijo Teppen Blues
  • Heavy Rotation
    Lucky Seven
    Yasai Sisters
  • Beginner
    Kimi ni Tsuite MINT
  • Chance no Junban
    Yoyaku Shita Christmas
  • Sakura no Ki ni Narō
  • Dareka no tameni -What can I do for Someone?
  • Everyday, Kachuusha
  • Flying Get!
    Yasai Uranai
  • Kaze wa Fuiteiru

Stage Units

Team A 1st Stage
  1. Skirt, Hirari (1st + 2nd Units)
  2. Hoshi no Ondo (2nd Unit)
Team A 2nd Stage
  1. Nageki no Figure
  2. Nagisa no Cherry
  3. Senaka Kara Dakishimete
  4. Rio no Kakumei
Team A 3rd Stage
  1. Nage Kiss de Uchi Otose!
  2. Seifuku ga Jama wo Suru
Team A 4th Stage
  1. 7ji 12fun no Hatsukoi
Himawari-gumi 1st Stage
  1. Idol Nante Yobanaide (1st Unit)
Himawari-gumi 2nd Stage
  1. Hajimete no Jelly Beans (1st Unit)
Team A 5th Stage
  1. Kuroi Tenshi

Pilmograpiya

Pelikula

Karagdagang impormasyon Taon, Pamagat ...

Pantelebisyong serye

Karagdagang impormasyon Year, Pamagat ...

Bariety Show

  • AKBingo!
  • "Shukan AKB" (「週刊AKB」)
  • "AKB48 nemousu TV" (「AKB48ネ申テレビ」)
Remove ads

Bibliograpiya

Mga Photobook

Karagdagang impormasyon Petsa, Pamagat ...

References

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads