Auckland

From Wikipedia, the free encyclopedia

Aucklandmap
Remove ads

Ang Lungsod ng Auckland ( /ˈɔːklənd/ AWK-lənd; [3]), ay isang malaking kalakhang pook sa North Island ng Nuweba Selandiya. Ito ay may populasyong humigit-kumulang 1,531,400 (Hunyo 2024). Matatagpuan ang lungsod sa Auckland Region, na kinabibilangan ng mga malalayong rural na lugar at mga isla ng Golpo ng Hauraki, na may kabuuang populasyon na 1,798,300 (Hunyo 2024). Ito ang pinakamataong lungsod sa Nuweba Selandiya at ang ikalimang pinakamalaking lungsod sa Oseaniya. Habang patuloy na binubuo ng mga Europeo ang mayorya ng populasyon ng Auckland, naging multikultural at kosmopolitan ang lungsod noong huling bahagi ng ika-20 siglo, kung saan binubuo ng 31% ng populasyon ng lungsod ang mga Asyano noong 2018.[4]

Agarang impormasyon Auckland Tāmaki Makaurau, Bansa ...

Sumasakop ng 234.40 na kuwadrado kilometro, nasa pagitan ang Auckland ng Golpo ng Hauraki sa silangan, Hunua Ranges sa timog-silangan, Daungan ng Manukau sa timog-kanluran, at Waitākere Ranges sa kanluran at hilaga-kanluran. Natatakpan ng kagubatan ang mga nakapalibot na burol sa lungsod, at ang tanawin ay may limampu't-tatlong sentro ng bulkan na bumubuo sa Auckland Volcanic Field. Sinasakop ng gitnang bahagi ng urban area ang isang makitid na tangway sa pagitan ng Manukau Harbor sa Dagat Tasman at ng Daungan ng Waitematā sa Karagatang Pasipiko. Ang Auckland ay isa sa iilang lungsod sa mundo na mayroong daungan sa bawat isa sa dalawang magkahiwalay na pangunahing anyong tubig nito.

Unang tinirhan ang tangway ng Auckland noong c.1350 na siyang pinahahalagahan para sa mayaman at matabang lupa nito. Tinatayang umabot sa 20,000 ang populasyon ng Māori sa lugar bago dumating ang mga Europeo.[5] Matapos maitatag ang kolonya ng Britanya sa Nuweba Selandiya noong 1840, pinili ni William Hobson, noo'y Tenyente-Gobernador ng Nuweba Selandiya, ang Auckland bilang bagong kabisera nito. Bagama't napalitan ito ng Wellington bilang ang kabisera ng Nuweba Selandiya noong 1865, nagpatuloy sa pagyabong ang lungsod dahil sa daungan nito at sa mga aktibidad sa pagtotroso at pagmimina ng ginto sa lupain sa likod nito, at kalaunan ay dahil sa pastoral na pagsasaka sa nakapaligid na lugar, at pagmamanupaktura sa mismong lungsod.[6][7] Sa kasalukuyan, ang central business district ng Auckland ay ang nangungunang sentro ng ekonomiya ng Nuweba Selandiya.

Remove ads

Pangalan

Ang pangalan sa wikang Māori para sa Auckland ay Tāmaki Makaurau, na ibig sabihin ay "Tāmaki na hinahangad ng marami", bilang pagtukoy sa kakanais-naisan ng mga likas na yaman at heograpiya nito.[8] Mayroong iba't ibang mga teorya tungkol sa pinagmulan ng pangalang "Tāmaki", na ginagamit din upang sumangguni sa isang silangang arabal ng Auckland. Itinuturing ng ilan na ito ang tangway sa pagitan ng dalawang daungan ng lugar, na iba-iba ang sinasabing ipinangalan sa isang anak ni Maruiwi mula sa Taranaki, isang linya ng mga pinuno mula sa katimugang Taranaki, o isang babaeng pinuno ng Ngāti Te Ata. Kasama sa iba pang mga bersyon ng pangalan ang Tāmakinui (dakilang Tāmaki) o Tāmaki-herehere-ngā-waka (Tāmaki na nagbibigkis ng maraming mga lunday).[9][10]

Pinangalanan ni William Hobson ang lugar kay George Eden, Erl ng Auckland, British First Lord of the Admiralty. Ang Earldom ng Auckland ay ipinangalan sa West Auckland, isang nayon sa County Durham, Hilagang Inglatera.[11] Ang pangalang "Auckland" sa Kanlurang Auckland ay nagmula diumano sa salitang Cumbric na "Alclud" na kahalili na pangalan ng Kaharian ng Strathclyde na nangangahulugang "bangin sa Clyde". Ang salitang 'Clyde' ay maaaring naging lumang pangalan ng Ilog Gaunless.[12][13][14] Tanyag na tinatawag ang Auckland bilang "City of Sails" o ang "Queen City".[15][16]

Remove ads

Kasaysayan

Thumb
Ang Maungakiekie / One Tree Hill na kuha mula sa itaas.[17]

Maagang kasaysayan

Unang tinirhan ng mga Māori ang Tangway ng Auckland noong 1350, na pinahahalagahan para sa mayaman at matabang lupa nito. Maraming mga (pinatibay na nayon) ang nilikha, lalo na sa mga taluktok ng bulkan. Sa unang bahagi ng 1700s naging pangunahing maimpluwensyang puwersa sa tangway ang Te Waiohua, isang kompederasyon ng mga tribo tulad ng Ngā Oho, Ngā Riki at Ngā Iwi, na may mga pangunahing na matatagpuan sa Maungakiekie / One Tree Hill, Bundok ng Māngere at Maungataketake.[18][19] Nagwakas ang kompederasyon noong 1741, nang napatay ang pinakamataas na pinunong si Kiwi Tāmaki sa labanan ng pinuno ng Ngāti Whātua hapū Te Taoū na si Te Waha-akiaki.[20] Mula noong dekada 1740s pataas, naging pangunahing maimpluwensyang puwersa si Ngāti Whātua Ōrākei sa tangway ng Auckland.[21] Tinatayang nasa 20,000 ang populasyon ng Māori sa lugar bago dumating ang mga Europeo.[22][23]

Nagdulot ng paggulo sa balanse ng kapangyarihan ang pagpapakilala ng mga baril sa pagtatapos ng ika-18 siglo na siyang humantong sa mapangwasak na pakikidigma sa pagitan ng mga tribo simula noong 1807, na naging sanhi ngupang maghanap ng kanlungan ang mga iwi sa mga lugar na hindi gaanong nalantad sa mga pagsalakay sa baybayin dahil sa kakulangan ng mga bagong armas. Bunga nito, bumaba ang bilang ng mga Māori sa rehiyon nang magsimula ang paninirahan ng mga Europeong Neoselandes.[24][25]

Noong 20 Marso 1840, nilagdaan ng pangunahing pinuno na si Apihai Te Kawau ang Treaty of Waitangi sa lugar ng Manukau Harbour kung saan nagsasaka ang Ngāti Whātua.[26] Humingi ang Ngāti Whātua ng proteksyon ng Britanya mula sa Ngāpuhi pati na rin ang isang katumbas na relasyon sa Korona at sa Simbahan. Hindi nagtagal, pagkatapos lagdaan ang kasunduan, gumawa si Ngāti Whātua Ōrākei ng isang estratehikong regalo na 3,500 ektarya (1,400 ha) ng lupa sa Waitematā Harbor sa bagong Gobernador ng Nuweba Selandiya na si William Hobson para sa bagong kabisera, na kaniyang pinangalan para kay George Eden, Earl ng Auckland, at noo'y Bisehari ng Indiya.[27][28][29] Itinatag ang Auckland noong 18 Setyembre 1840 at opisyal na idineklara ito bilang kabisera ng Nuweba Selandiya noong 1841.[30][31] Gayunpaman, nakitaan ang Port Nicholson (ngayong Wellington) bilang isang mas magandang pagpipilian para sa isang kabiserang administratibo dahil sa kalapitan nito sa South Island, kung kaya't naging kabisera ito ng Nuweba Selandiya simula noong 1865. Matapos maalis ang katayuan nito bilang kabisera, nanatilin ang Auckland bilang pangunahing lungsod ng lalawigan ng Auckland hanggang sa ang sistemang panlalawigan ay inalis noong 1876.[32]

Noong unang bahagi ng dekada 1860s, naging base ang Auckland laban sa Māori King Movement, at humantong ang 12,000 sundalong Imperial na nakatalaga doon sa isang malakas na pagsulong sa lokal na komersyo.[33] Ito, at ang patuloy na paggawa ng mga kalsada patungo sa rehiyon ng Waikato, ay nagbigay-daan sa impluwensya ng mga Europeo na kumalat mula sa Auckland. Bumilis ang paglaki ng populasyon ng lungsod, mula 1,500 noong 1841 hanggang 3,635 noong 1845, pagkatapos ay naging 12,423 noong 1864.[33] Naganap ang paglago tulad ng iba pang mga lungsod na pinangungunahan ng pangkalakal, sa paligid ng daungan at may mga problema sa pagsisikip at polusyon. Ang karamihan ng mga naninirahan sa unang bahagi ng pagtatag ng Auckland ay tinutulungan sa pamamagitan ng pagtanggap ng murang daanan papunta sa Nuweba Selandiya.[34]

Remove ads

Heograpiya

Thumb
Ang urbanisadong lawak ng Auckland (pula), magmula noong 2009

Hindi tiyak na itinukoy ang hangganan ng Auckland. Ang pook na urbano ng Auckland, tulad ng tinukoy ng Statistics New Zealand sa ilalim ng Statistical Standard for Geographic Areas 2018 (SSGA18), ay sumasaklaw sa 607.07 metro kkilouwadrado (234.39 sq mi) at umaabot mula sa Long Bay sa hilaga, Swanson sa hilagang-kanluran, at Runciman sa timog. Ang functional urban area ng Auckland (commuting zone) ay umaabot mula sa timog lamang ng Warkworth sa hilaga hanggang sa Meremere sa timog, na kinabibilangan ng Hibiscus Coast sa hilagang-silangan, Helensville, Parakai, Muriwai, Waimauku, Kumeu - Huapai, at Riverhead sa hilagang-kanluran, Beachlands -Pine Harbor at Maraetai sa silangan, at Pukekohe, Clarks Beach, Patumāhoe, Waiuku, Tuakau at Pōkeno (ang huling dalawa sa rehiyon ng Waikato) sa timog. Binubuo ng Auckland ang pinakamalaking urban area ng New Zealand.

Ang pook na urbano ng Auckland ay matatagpuan sa loob ng Auckland Region, isang administratibong rehiyon na kinuha ang pangalan mula sa lungsod. Ang rehiyon ay sumasaklaw sa sentro ng lungsod, pati na rin ang mga náik, mga nakapaligid na bayan, mga pulong malapit sa baybayin, at mga rural na lugar sa hilaga at timog ng pook na urbano.[35]

Ang central business district ng Auckland (CBD)—ang sentro ng lungsod—ay ang pinaka-natayuang lugar sa rehiyon. Sinasaklaw ng CBD ang 433 ektarya (1,070 akre) sa isang tatsulok na lugar, at napapaligiran ito ng Auckland waterfront sa Waitematā Harbor[36] at ang mga inner-city suburb ng Ponsonby, Newton at Parnell.[37]

Thumb
Ang cityscape ng Auckland na makikita sa Maungawhau / Mount Eden.

Mga daungan at golpo

Matatagpuan ang mga gitnang lugar ng lungsod sa Tangway ng Auckland, wala pang dalawang kilometro ang lapad sa pinakamakitid na punto nito, sa pagitan ng Māngere Inlet at ng Ilog Tāmaki. Mayroong dalawang daungan na nakapalibot sa tangway na ito: Waitematā Harbor sa hilaga, na umaabot sa silangan hanggang sa Golpo ng Hauraki at mula sa Karagatang Pasipiko, at Manukau Harbor sa timog, na bumubukas sa kanluran sa Dagat Tasman.

Sinasaklaw ng mga tulay ang mga bahagi ng parehong daungan, lalo na ang Auckland Harbour Bridge na tumatawid sa Waitematā Harbor sa kanluran ng central business district. Sinasaklaw ng Māngere Bridge at ng Upper Harbour Bridge ay ang itaas na bahagi ng Manukau Harbour at Waitematā Harbour, ayon sa pagkakabanggit.[38][39]

Ilan sa mga isla sa Golpo ng Hauraki ay pinangangasiwaan bilang bahagi ng Auckland , bagaman hindi sila bahagi ng metropolitan area. Ang mga bahagi ng Pulo ng Waiheke, halimbawa, ay gumaganap bilang de facto suburb ng Auckland, habang ang iba pang maliliit na isla malapit sa Auckland ay itinalaga bilang mga bukas na espasyo para sa libangan.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads