Avril Lavigne

From Wikipedia, the free encyclopedia

Avril Lavigne
Remove ads

Si Avril Ramona Lavigne (ipinanganak 27 Setyembre 1984), na mas kilala bilang Avril Lavigne (bigkas: /ˈævrɨl ləˈviːn/), ay isang mang-aawit ng rock, musikero, fashion designer, at isang aktres na taga-Canada. Noong 2006, Ang Canadian Business Magazine ay hinanay siya bilang ikapitong pinakamakapangyarihang taga-Canada sa Hollywood.[11]

Agarang impormasyon Kabatiran, Pangalan noong ipinanganak ...

Ang unang album ni Lavigne, ang Let Go ay inilabas noong 2002. Mahigit sa 16 na milyong kopya ang nabili sa buong mundo[12]. Ang kanyang ikalawang album na Under My Skin noong 2004 ay nakabenta ng mahigit sa 8 milyong kopya at ang The Best Damn Thing, ang sumunod niyang album na inilabas noong 2007 ay kasalukuyang bumenta na nang mahigit sa 5 milyong kopya.[13] at lahat ay umabot sa unang pwesto sa U.S. Billboard 200. Si Avril Lavigne ay naka-anim na #1 na awit sa buong mundo at may kabuuang labing isang awit na pasok sa top ten, kasama dito ang "Complicated", "Sk8er Boi", "I'm With You", "My Happy Ending", at ang "Girlfriend".[14]

Remove ads

Pagkabata

Ipinanganak si Lavigne sa Belleville, Ontario, noong 27 Setyembre 1984, bilang anak nina Judy at John Lavigne. [15][16] Ang kanyang Pranses-Kanadyang mga magulang ay debotong mga Baptist.[17][18][19][20][21] Siya ay may nakatatandang kapatid na lalaki, si Matthew, at isang nakababatang kapatid na babae, si Michelle.[22] Ang ina ni Avril ang unang nakatuklas ng kanyang talento. Sa ikalawang taong gulang nito ay nagsimula na siyang kumanta kasama ang kanyang ina sa mga awiting pangsimbahan. Ang pamilya ay lumipat sa Napanee, Ontario, nang si Lavigne ay limang taon gulang.

Remove ads

Karera sa Musika

Let Go (2000–2003)

Ang Let Go ay inilabas noong 4 Hunyo 2002 sa Estados Unidos, at naabot ang ikalawang pwesto doon, at nanguna sa Australia, Canada, at sa Gran Britanya. Ito ang naging dahilan para siya ay maging pinakabatang babaeng solohistang mang-aawit na magnumero uno sa edad na labingpito sa panahong iyon.[23]

Ang album ay nagpapakita ng pag-ugat nito sa uring pop rock; subalit maririnig din ang impluwensiya ng alternative rock at post-grunge sa ilang mga awit dito.

Pagkatapos lamang ng isang buwan pagkatapos itong ilabas, ang Let Go ay umabot sa estadong multi platinum ayon dami ng nabiling album,[24] at sinertipikahang tatlong beses na platinum pagkatapos ng dalawang linggo.[25] Bago matapos nag taong 2002, pagkatapos lamang nang anim na buwan ilabas ang album, pinatunayang apat na beses na platinum ang album ng RIAA [26] Ang album na ang naging pinakamabiling album ng taon para isang babaeng artista/mang-aawit at para sa isang unang album noong 2002.[27] Noong Disyembre 2007 ang album ay nabenta ng 6.6 milyong kopya sa Estados Unidos, at mahigit sa 16 milyong sa buong mundo.[28][29]

Apat na mga awit mula sa album ang inilabas. Ang unang single ay ang "Complicated" na naging Bilang isa sa Australia. at umabot naman bilang Bilang pangalawa sa U.S. Hot 100, at naging pinakamabiling Canadian Single noong 2002.

Under My Skin (2004–2005)

Ang ikalawang album ni Lavigne, ang Under My Skin, ay inilabas noong 25 Mayo 2004, sa Estados Unidos. Ito ay nag # 1 sa Estados Unidos, Gran Britanya, Alemanya, Hapon, Australia, Kanada, Mehiko, Arhentina, Espanya, Ireland, Thailand, Korea at sa Hong Kong na nakabenta ng mahigit sa 380,000 sipi sa Estados Unidos. sa kanyang unang linggo.[30] Sinulat ni Lavigne ang karamihan sa mga awit sa album kasama ang isa pang Canadian manunulat-mang-aawit na si Chantal Kreviazuk, at ang iba ay kasama ring linikha ni Ben Moody (dating miyembro ng Evanescence), ni Butch Walker ng Marvellous 3, kanyang dating pangunahing gitarista na si Evan Taubenfeld. at ang kanyang dating drummer na si Matt Brann. Ang asawa ni Kreviazuk, ang front man ng Our Lady Peace na si Raine Maida, ang nag-co-produce ng album kasama si Butch Walker at Don Gilmore.

. punk-pop tulad ng He Wasn't at I Always Get what I Want, o yung malumanay na tunog post-grunge (Freak Out and Who Knows).

Ang pangunahing single na "Don't Tell Me ay naging #1 sa Arhentina at Mehiko, naging #5 sa Gran Britanya at Kanada, at #10 sa Australia at Brasil. "My Happy Ending" ay naging #1 sa Mehiko at naabot ang #10 sa Estados Unidos na naging dahilan para ito ay maging ikatlo niyang pinakamalaking hit sa Estados Unidos, subalit ang ikatlong single niya na "Nobody's Home" ay hindi umabot sa Top 40 ng E.U. at naging #1 lang sa Mehiko at Arhentina. Ang ikaapat na single mula sa album, ang "He Wasn't" ay umabot sa top 40 na posisyon sa Gran Britanya at Australia, at hindi inilabas sa E.U.[31] Ang "Fall to Pieces" ay inilabas bilang kanyang huling single mula sa album, ngunit hindi naging maganda ang labas gaya ng ibang mga naunang single.

Nanalo si Lavigne ng dalawang World Music Awards noong 2004 para sa "Pinakamahusay na Artistang Pop/Rock sa Daigdig" at ang "Pinakamabentang Artistang Canadian sa Daigdig". Nakatanggap din siya ng limang nominasyon sa Juno Award noong 2005, at nanalo ng tatlo, kasama ang "Fan Choice Award", "Artista ng Taon", at "Pop Album ng Taon". Nanalo rin siya ng award para sa "Paboritong Babaeng Mang-aawit" sa ikawalong taunang Nickelodeon Kids' Choice Awards.[32] Kasamang sumulat si Lavigne sa awit na "Breakaway" kasama si Matthew Gerard, na nirekord ni Kelly Clarkson para sa soundtrack ng pelikulang The Princess Diaries 2: Royal Engagement (2004).[33] Ang "Breakaway" ay isinama sa ikalawang album ni Clarkson, ang Breakaway, at inilabas bilang unang single ng album. Ang awit ay umabot sa top ten ng sa Estados Unidos at nagbigay ng hit kay Clarkson.

The Best Damn Thing (2007–2008)

Thumb
Lavigne sa Hong Kong, 2007.
Thumb
Lavigne in the 2007 MuchMusic Video Awards.

Ang ikatlong album ni Lavigne, ang The Best Damn Thing, ay inilabas 17 Abril 2007 at nagnumero uno sa Estados Unidos. Ang album ay prinodus ni Dr. Luke, Deryck Whibley na asawa ni Lavigne, Rob Cavallo, Butch Walker at ni Lavigne din.[34] Si Travis Barker ay nagrekord ng drums para sa rekord. Ang unang single mula sa album ay ang "Girlfriend", na naging unang single uni Lavigne na narating ang #1 sa Billboard Hot 100. sa radio show ni Ryan Seacrest, sinabi ni Lavigne na ang "When You're Gone" ay ang magiging ikalawa niyang single. Ang ikatlong single ni Lavigne mula sa album ay ang "Hot". Ang ika-apat at huling single mula sa album ay ang "The Best Damn Thing".

si Lavigne ay nagsagawa ng maliit na tour upang ipromote, ang The Best Damn Thing, na may ticket na nakalaan lamang sa mga kasapi ng kanyang fan club.[35]

Goodbye Lullaby (2009–2011)

Ang Goodbye Lullaby ay unang inilabas noong 2 Marso 2011. Nakapasok ito sa top 5 charts sa 15 bansa kabilang na ang Estados Unidos and Canada, at nanguna sa bansang Hapon, Australia, Greece, Taiwan, Korea, Singapore, Hong Kong at Czech Republic. Ang kanyang mga kanta tulad ng "What the hell", "Smile" at "Wish you were here" ay bahagyang sumikat sa buong mundo.

Avril Lavigne (2011 - Kasalukuyan)

Tatlong buwan pagkatapos mailunsad ang Goodbye Lullaby, ipinaalam na ni Avril Lavigne na sinimulan nya ng magtrabaho para sa ika-Limang studio album na may 8 kantang naisulat na. Ang album ay kasalungat ng Goodbye Lullaby. Sinabi ni Lavigne "Goodbye Lullaby was more mellow, [but] the next one will be pop and more fun again. I already have a song that I know is going to be a single, I just need to re-record it!". Ikinumpirma ni Lavigne ang mga kanta kasama ang single na "Here's to Never Growing Up", na kasamang sinulat ni Chad Kroeger. "Bad Girl", "Hello Kitty", at "Seventeen". Ang album ay ilulunsad sa Setyembre 2013. Noong Abril, matapos ipaalam sa publiko na nakikipag laban s'ya sa sakit na Lyme, nagrekord s'ya ng awitin para sa Special Olympics 2015, ito ay ang "Fly."

Remove ads

Iba pang mga gawa

Covers

Si Lavigne ay nagrekord ng ibang awit nina John Lennon na "Imagine" bilang kanyang ambag sa album na Instant Karma: The Amnesty International Campaign to Save Darfur.[36] Si Lavigne din ay nagrekord ng mega-hit ng The Goo Goo Dolls na "Iris", na itinanghal niya kasama ang pinunong mang-aawit ng banda na at lyricist John Rzeznik sa Fashion Rocks concert noong 2004. na prinodus ni Eric Book.[37]

Iba pang mga cover na tinanghal niya ng live ay ang:

  • "Knockin' on Heaven's Door" ni Bob Dylan
  • "No One Needs to Know" ni Shania Twain
  • "Basket Case" ni Green Day
  • "The Scientist" ni Coldplay
  • "All the Small Things" ni blink-182
  • "Chop Suey!" ni System of a Down
  • "Fuel" ni Metallica
  • "Bad Reputation" ni Joan Jett
  • "You Were Mine" ni Dixie Chicks
  • "Kiss Me" ni Sixpence None the Richer
  • "Adia" ni Sarah McLachlan

Discograpiya

  • 2002: Let Go
  • 2004: Under My Skin
  • 2007: The Best Damn Thing
  • 2011: Goodbye Lullaby
  • 2013: Avril Lavigne
  • 2019: Head Above Water
  • 2022: Love Sux

Mga Kawing Panlabas

Agarang impormasyon

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads