Baging

From Wikipedia, the free encyclopedia

Baging
Remove ads

Ang baging ay isang halaman na may mahahaba at payat na tangkay na pumupulupot at gumagapang sa lupa o umaakyat sa pamamagitan ng mga pangkuyapit. Sa ilang bahagi ng mundo, tumutukoy madalas ang baging sa baging ng ubas. May mga ilang halaman na lumalaki bilang baging, habang may ilang halaman naman ang nagiging baging sa isang bahagi lamang ng paglaki nito. Halimbawa, ang kanipay at bittersweet (Solanum dulcamara) ay lumalago bilang palumpong kapag walang taguyod ngunit maaring maging baging kapag may taguyod.[1]

Thumb
Isang pangkuyapit
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads