Bagong Mundo
kasingkahulugan ng Kaamerikahan From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Bagong Mundo ay isa sa mga pangalan o katawagan na ginagamit para sa Kanlurang Emisperyo, partikular na ang Kaamerikahan at paminsan-minsan ang Oceania (Australasya). Ang kataga ay nagmula sa ika-15 daantaon, nang ang Amerika ay kamakailan pa lamang natuklasan ng mga manggagalugad mula sa Europa, na nagpalawak sa kalawakan o kalatagang pangheograpiya ng mga tao noong Gitnang Kapanahunan sa Europa, na dating umisip na ang mundo ay binubuo lamang ng Europa, Asya, at Aprika: na tinatawag na sa ngayon na Lumang Mundo bilang isang kalipunan.

Remove ads
Pinagmulan ng pangalan
Ang Kastilang dalubhasang si Peter Martyr d'Anghiera (kilala rin bilang Pedro Mártir de Anglería) ang umimbento ng katawagang "Bagong Mundo"[1] na nagkaroon ng dalawampung mga edisyon o labas sa loob ng sumunod na apat na mga taon.
Noong 1524, ang kataga ay ginamit din ni Giovanni da Verrazzano sa loob ng isang tala ng kanyang paglalakbay noong taong iyon sa kahabaan ng dalampasigan ng lupain sa Atlantiko na bahagi na ngayon ng Estados Unidos at ng Canada.[2]
Remove ads
Paggamit at kahulugan
Ang mga katagang "Lumang Mundo" laban sa "Bagong Mundo" ay pangunahing makahulugan sa diwang pangkasaysayan at para sa layunin ng pagtatangi ng mga pangunahing eko-sona ng mundo. Ang isang tao ay makapagtatalakay ng "Bagong Mundo" sa isang diwang pangkasaysayan, iyong kapag tumatalakay sa mga paglalakbay ni Cristóbal Colón (na nakikilala rin bilang Christopher Columbus), ng pananakop ng mga Kastila sa Yucatán at iba pang mga kaganapan noong panahon ng pananakop (kolonyalismo); bilang dagdag pa, ang katawagang "Bagong Mundo" ay paminsan-minsang ginagamit sa diwang pambiyolohiya, kapag ang isang tao ay mga uri ng mga nilalang o uri (espesya) na nagmula sa Lumang Mundo (Palearktiko, Aprotropiko) at mula sa Bagong Mundo (Nearktiko, Neotropiko).
Remove ads
Kritisismo ng kataga
Ang kataga ay nabatikos dahil sa pagiging Eurosentriko nito, na mapagkandili at pati na rin sa pagkakaroon ng tonong nag-aadya o nagtatanggol ng kolonyalismo.[3]
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads