Baler

bayan ng Pilipinas at kabisera ng lalawigan ng Aurora From Wikipedia, the free encyclopedia

Balermap
Remove ads

Ang Bayan ng Baler (pagbigkas: ba•lér) ay isang ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Aurora, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 44,684 sa may 10,197 na kabahayan. Sentro ng politika at ng ekonomiya ng lalawigan ng Aurora ang bayan ng Baler.

Agarang impormasyon Baler Bayan ng Baler, Bansa ...

Sa bayang ito ipinanganak ang unang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na si Manuel L. Quezon.

Remove ads

Kasaysayan

Himagsikang Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano

Noong nagsimula ang Himagsikang Pilipino, noong Septyembre 7, 1897, nagsimula ang pag-aalsa ang mga taga-Baler. Sila ay nagpunitan ng mga cedula sa lungsod.

Noong 4 Oktubre 1897, umatake ang mga nag-aalburutong mga rebeldeng Tagalog na kaalyado ng Katipunan sa isang garison sa Baler. 7 na Kastila at 11 Katipunero ang nasawi sa labanang ito.

Makalipas ang tatlong buwan, ipinadala ng mga Kastila ang ika-2 Batalyong Expedisyunaryo sa Baler ngunit natagpuan nilang nagsi-alisan na ang mga rebeldeng Tagalog sa lugar.

Hindi nagtagal bago umatake nanaman ang ating mga bayani sa Baler noong 30 Hunyo 1898. Kinubkob nila ito noong ika 1-ng Hulyo ngunit dahil sa pagka-ayaw ng mga Kastila na sumuko sa mga Tagalog ay pinagpatuloy nila ang labanan ng mahigit 11 na buwan. Sumuko sila noong 2 Hunyo 1899 habang nagsisimula na ang Digmaang Pilipino-Amerikano.

Panahon ng mga Amerikano

Noong 1901, isinama nila ang Baler at ang kabuuan ng lalawigan ng El Principe sa lalawigan ng Tayabas (Quezon sa kasalukuyan).

Remove ads

Mga Barangay

Ang bayan ng Baler ay nahahati sa 13 mga barangay.

  • Barangay I (Pob.)
  • Barangay II (Pob.)
  • Barangay III (Pob.)
  • Barangay IV (Pob.)
  • Barangay V (Pob.)
  • Buhangin
  • Calabuanan
  • Obligacion
  • Pingit
  • Reserva
  • Sabang
  • Suklayin
  • Zabali

Mga larawan

Demograpiko

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...

Mga sanggunian

Mga Kawing Panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads