Gitnang Luzon

rehiyon ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Gitnang Luzon
Remove ads

Ang Gitnang Luzon (Kapampangan: Kalibudtarang Luzon, Pangasinan: Pegley na Luzon, Ilokano: Tengnga a Luzon, Ingles: Central Luzon), itinalagang Rehiyong III, ay isang administratibong rehiyon sa Pilipinas, pangunahing naglilingkod upang ibuo ang pitong mga lalawigan ng malawak na gitnang mga kapatagan ng pulo ng Luzon (ang pinakamalaking pulo), para sa layuning pampangasiwaan. Taglay ng rehiyon ang pinakamalaking kapatagan sa bansa at gumagawa ng halos lahat ng suplay ng bigas sa bansa, kaya binansagan itong "Bangan ng Bigas ng Pilipinas" ("Rice Granary of the Philippines").[1] Ang mga lalawigang bumubuo rito ay: Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.[4]

Agarang impormasyon Gitnang Luzon Rehiyong III, Bansa ...
Remove ads
Remove ads

Etimolohiya

Ang kasalukuyang pangalan ng rehiyon tumutukoy sa lokasyon nito sa malaking pulo ng Luzon. Nagmula ang termino sa mga Amerikanong mananakop kasunod ng pagkatalo ng Unang Republika ng Pilipinas. May mga panukala para palitan sa "rehiyon ng Luzones" ang pangalan ng rehiyon. Ang ipinapanukalang pangalan ay isang pagtukoy sa dating pangalan ng pulo ng Luzon – Luções – na ginamit paglaon upang matukoy sa gitnang lugar ng pulo na umaabot mula Pagasinan sa hilaga hanggang Pampanga sa timog. Ang salitang Luções ay literal na nagngangahulugang Luzones.[5][6]

Remove ads

Paglalarawan

Matatagpuan ang rehiyon ng Gitnang Luzon sa hilaga ng Maynila, ang pambansang kabisera. Kahangga nito ay mga rehiyon ng Ilocos at Lambak ng Cagayan sa hilaga; Pambansang Punong Rehiyon, Calabarzon at mga katubigan ng Look ng Maynila sa timog; Dagat Timog Tsina (o Dagat Kanlurang Pilipinas) sa kanluran; at ang Dagat Pilipinas sa silangan.[7] Sa kasaysayan, kalinangan, at heograpiya, ang Pangasinan ay isang mahalagang bahagi ng rehiyon, ngunit ginawang pampolitika na bahagi ng rehiyon ng Ilocos ni Pangulong Ferdinand Marcos noong Hunyo 22, 1973.[8]

Ang Gitnang Luzon ay nag-aani ng pinakamaraming bigas sa buong bansa. Inihahatid at iniluluwas ang labis na bigas sa ibang mga rehiyon ng Pilipinas.

Ang lungsod ng San Fernando, na panlalawigang kabisera ng Pampanga, ay itinalagang sentro panrehiyon. Inilipat ang lalawigan ng Aurora sa rehiyon mula sa Rehiyong IV sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 103 noong Mayo 2002.[9]

Remove ads

Demograpiya

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...

Mga wika

Ang katutubong mga wika ng Gitnang Luzon ay:

  • Kapampangan, sinasalita sa kabuoan ng Pampanga at katimugang Tarlac, gayon din sa timog-silangang Zambales, hilagang-silangang Bataan, kanlurang Bulacan, at timog-kanlurang Nueva Ecija.
  • Pangasinan, sinaslita sa hilagang Tarlac, hilagang-silangang Zambales, at hilagang-kanlurang Nueva Ecija.
  • Tagalog, sinasalita sa Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Bataan, and Zambales. Ito ang rehiyonal na lingua franca.
  • Iloko, sinasalita sa hilagang Nueva Ecija at sa ilang bahagi ng Tarlac, Zambales, at Aurora.
  • Sambal, ginagamit ng karamihan sa Zambales at sa ilang nakakalat na mga pook sa Bataan at Pampanga.

Relihiyon

Walumpu't porsyento ng populasyon ng Gitnang Luzon ay Katoliko. Ang iba pang mga relihiyon na kumakatawan ay mga Protestante (kasama ang mga Evangelical), Islam, Iglesia Ni Cristo, at katutubong mga relihiyon tulad ng Anitismo. Mayroon din ibang mga denominasyon tulad ng Jesus Is Lord, Pentecostal Missionary Church of Christ, Ang Dating Daan, Jesus Miracle Crusade, Nagkakaisang Metodistang Simbahan at iba pa.

Mga pagkakahating administratibo

Thumb
Mapang Pampolitika ng Gitnang Luzon

Ang Gitnang Luzon ay binubuo ng 7 mga lalawigan, 2 mataas na urbanisadong mga lungsod, 12 nakapaloob na mga lungsod, 116 mga bayan, at 3,102 mga barangay.[12]

Karagdagang impormasyon Lalawigan or HUC, Kabisera ...

Mga Lungsod

May labing-apat na mga lungsod ang rehiyon ng Gitnang Luzon. Ang San Jose del Monte ay may pinakamaraming populasyon habang pinakamatao naman ang Angeles. Batay sa lawak ng lupa ang Lungsod ng Tarlac ay ang pinakamalaki sa rehiyon.

  •    Sentrong panrehiyon
Karagdagang impormasyon Lungsod, Populasyon (2015) ...
Karagdagang impormasyon Ranggo, Lalawigan ...
Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Mga Kawing Panlabas

Loading content...
Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads