Ban Ki-moon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Ban Ki-moon (Koreano: 반기문; ipinanganak noong 13 Hunyo 1944) ay ang pangwalong Kalihim-Panlahat ng Nagkakaisang mga Bansa.
- Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Ban.
Bago naging Kalihim-Panlahat, si Ban ay naging diplomat ng Ministry of Foreign Affairs ng Timog Korea at sa Nagkakaisang Bansa. Tumuloy siya sa serbisyong diplomatiko sa taon ng kanyang pagtapos sa kolehiyo. Ang kanyang unang puwesto ay sa New Delhi. Pinamalas niya ang kakayahan sa pambanyagang minesteryo.
Si Ban ang Ministrong Pambanyaga ng Republika ng Korea mula Enero 2004 hanggang Nobyembre 2006. Noong Pebrero 2006 ay nagsimula siyang mangampanya para sa puwesto ng Kalihim-Panlahat. Hindi inaasahang makuha ni Ban ang puwesto. Subalit dahil sa kanyang pagigiging pambanyagang ministro ng Korea, nagawa niyang maglakbay sa iba't-ibang mga bansang miyembro ng Konsehong Pang-seguridad ng Nagkakaisang mga Bansa, isang taktika na tumulong sa kanyang kampanya.
Noong 13 Oktubre 2006, hinalal siya bilang pang-walong Kalihim-Panglahat ng Panglahat na Asemblea ng Nagkakaisang mga Bansa. Noong 1 Enero 2007, siya ang pumalit kay Kofi Annan, at nagpasagawa ng mga mahahalagang reporma sa pananatili ng kapayapaan at mga kagawain sa pagbibigay ng hanapbuhay ng Nagkakaisang mga Bansa. Si Ban ay pinahahalagahan ang pandaigdigang pag-init at paulit-ulit na pinababatid ito sa Pangulo ng Estados Unidos na si George W. Bush. Tumulong rin siya sa Kaguluhan sa Darfur, kung saan hinikayat niya si Omar al-Bashir, Pangulo ng Sudan, na payagang pumasok ang mga tropa para sa pananatili ng kapayapaan sa Sudan.
Remove ads
Sanggunian
Panlabas na Kawing
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads