Banchan
mga Koreanong pamutat From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang banchan ay mga maliliit na pamutat na inihahain kasama ng lutong kanin sa lutuing Koreano. Karaniwang inilalagay ang mga ito sa gitna ng mesa upang pagsaluhan. Sa gitna rin ng mesa matatagpuan ang pangalawang pangunahing ulam, tulad ng galbi o bulgogi, kasama ng isang nakabahaging palayok ng jjigae. Ang mga mangkok ng lutong kanin at guk (sabaw) ay inihahain nang paisa-isa. Ang banchan ay inihahain sa maliliit na bahagi na nilalayong maubos sa bawat pagkain, at dinadagdagan kung kinukulang. Karaniwan, kapag mas pormal ang pagkain, mas marami ring banchan ang inihahain.
Ang pangunahing pagsasaayos ng mesa para sa isang bansang, ay karaniwang binubuo ng bap (밥, lutong kanin), guk o tang (sabaw), gochujang o ganjang, jjigae, at kimchi. Ayon sa bilang ng idinaragdag na banchan, ang pagsasaayos ng mesa ay tinatawag na 3-cheop (삼첩), 5-cheop (오첩), 7-cheop (칠첩), 9-cheop (구첩), at 12-cheop (십이첩) bansang, kung saan ang 12-cheop ay ginagamit sa makaharing lutuing Koreano.[1] Tandaan na ang kimchi ay hindi kasama sa bilang ng mga cheop. Nagkakaiba ang dami ng banchan ayon sa antas sa lipunan: ang hari ay nagkaroon ng 12, samantalang ang iba ay karaniwang may mas kakaunti.
Remove ads
Kasaysayan
Ipinapalagay na ang banchan ay bunga ng impluwensiyang Budista noong kalagitnaan ng panahong Tatlong Kaharian, at ng sumunod na pagbabawal sa pagkain ng karne na ipinatupad ng mga monarkiya ng tatlong kahariang ito.[2] Kaya, nang ipagbawal ang mga pagkaing may karne, umangat ang mga pagkaing nakabatay sa gulay at naging sentro ng lutuing Koreano;[2] bumuo ang mga kusina ng korte ng iba’t ibang paraan ng pagluluto, paghahanda, at paghahain ng mga ito, samantalang ang mas hindi nakaririwasang mga karaniwang tao ay gumawa ng mas maliit at mas simpleng mga putaheng nakabatay sa gulay.[2]
Bagama’t winakasan ng mga pagsalakay ng Monggol sa Korea ang pagbabawal sa mga pagkaing may karne, pati na rin ang mga pag-aalay ng karne para sa mga ritwal tulad ng jesa, humigit-kumulang anim na siglo ng lutuing nakabatay sa gulay sa anyo ng banchan ay malalim nang nakaugat sa lutuing Koreano.[2]
Remove ads
Galeriya
- Samu't saring banchan na nakahain sa isang lamesa
- Handaan sa Lalawigan ng Jeolla na may maraming banchan
- Ojingeochae bokkeum (오징어채볶음)
- Yeongeun jorim (연근조림)
- Gyeran jjim (계란찜) sa isang mainit na ttukbaegi
- Samsaek jeon (삼색전); pagtutukoy sa anumang tatlong magkakaibang kulay na jeon
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads
