Binondo

distrito ng Maynila, Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Binondo
Remove ads

Ang Binondo (Tsino: 岷倫洛; pinyin: Mínlúnluò; Pe̍h-ōe-jī: Bîn-lûn-lo̍h) ay isang distrito sa Maynila na pangunahing tinitirahan ng mga imigranteng Tsino sa Pilipinas. Umaabot ang impluwensiya nito hanggang sa mga karatig na lugar na Quiapo, Santa Cruz, San Nicolas at Tondo. Ito ang pinakamatandang Baryo Tsino o Chinatown sa buong mundo, na itinatag noong 1594[2][3][4][5] ng mga Kastila bilang pamayanan malapit sa Intramuros na sa kabila lang ng Ilog Pasig para sa mga Katolikong Tsino; nakaposisyon ito upang mabantayan nang mabuti ng administrasyong kolonyal ang kanilang mga migranteng sinakop.[6] Isa na itong sentro ng komersiyo ng mga Tsino bago pa man ang pananakop ng mga Kastila. Sentro ang Binondo ng komersiyo at kalakalan sa Maynila, kung saan umuunlad ang lahat ng uri ng negosyong pinapatakbo ng mga Pilipinong Tsino.

Agarang impormasyon Transkripsyong iba, • Tsino ...
Agarang impormasyon
Thumb
Selebrasyon ng bagong taon ng mga Tsino sa Binondo

Kabilang sa mga tanyag na residente sina San Lorenzo Ruiz, ang Pilipinong protomartir, at Kagalang-galang na Madre Ignacia del Espiritu Santo, tagapagtatag ng Kongregasyon ng Relihiyoso ng Birheng Maria.

Remove ads

Etimolohiya

Maraming teorya sa pinagmulan ng pangalang "Binondo", at ng "Tondo", ang karatig distrito nito, ang iniharap.

Iminungkahi ng Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas na si Nick Joaquin na maaaring hango ang mga pangalan sa makalumang pagbaybay ng "binondoc" sa wikang Tagalog (modernong ortograpiya: binundok), na tumutukoy sa dating maburol na lupain ng Binondo.[7][8]

Subalit iminungkahi naman ni Jean-Paul Potet, isang dalubwikang Pranses, na nagmula ito sa tundok", ang dating tawag sa tinduk-tindukan (Aegiceras corniculatum), na may unlaping 'Bi-" sa "Binondo" na nagpapahiwatig ng lokasyon ng Binondo mula sa Tondo.[9]

Remove ads

Kasaysayan

Mahaba ang naitalang kasaysayan ng Binondo. Dala ito ng lokasyon ng lugar mula sa Manila Bay, Ilog Pasig at Intramuros.

Rito, ang Manila Bay ay nagsisilbing pantalan ng mga galleon at Tsinong bapor, ang Ilog Pasig ang nagiging lagusan tungo sa pampang at taga-dugtong ng mga estero kung saan nabibigyang daan ang madaling palitan ng mga kalakal. At ang Intramuros na nagdadala ng mga residente tungo sa Binondo, na interesado sa samu't saring kalakal ng mga galleon.[10]

Nahahati ang Binondo sa iba't ibang kilalang kalye tulad ng Paseo de Azcarraga (ngayong Recto Avenue)[11], Calle Nueva (ngayong Yuchengco Street), Calle Reyna Cristina (ngayong Reina Regente), Calle Sacristia (ngayong Ongpin Street) at iba pa.[12] [13]

Alcaiceria de San Fernando

Ang Alcaiceria ay ang kauna-unahang trade hub ng mga Tsino sa Binondo. Ito ay pinatayo noong 1752 sa utos ni Ferdinand VI.[14] Sa kasalukuyan, ito ay matatagpuan sa dating Calle San Fernando (ngayo'y San Fernando Street) sa San Nicolas, Maynila.

Ang disenyo ng gusali ay inihalintulad sa isang bagua, isang simbolong Tsino na sinsabing nagbigay inspirasyon sa arkitekto nito na kinilalang Lucas de Jesús María.[15]

Escolta

Kinilala bilang Calle de la Escolta o simpleng Escolta, masasabing naging sentro ng kalakalan ng Binondo ang Escolta noong taong 1870s dahil sa pag-akit nito ng dagsaang banyagang interesadong magtayo ng kani-kanilang negosyo o cosmopolitan.

Ang kalye na ito tumatakbo sa gilid ng Ilog Pasig, mula sa Plaza Santa Cruz hanggang sa Plaza Moraga at Kalye ng Quintin Paredes[16].[17]

Ang Escolta patuloy na yumabong hanggang 1960 bago ito napalitan ng Makati bilang sentro ng kalakalan. [18]

Kasalukuyan

Sa kasalukuyan, pinag-iingatan ang kasaysayan ng lugar na ito sa pamamagitan ng Chinatown Museum sa 4th floor ng Lucky Chinatown Mall na ibinukas sa publiko ng taong 2019.[19][20] [21]

Remove ads

Galeriya

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads