Bissau

From Wikipedia, the free encyclopedia

Bissaumap
Remove ads

Ang Bissau (Bigkas sa wikang Portuges: [βiˈsaw]) ay ang kabiserang lungsod ng Guinea-Bissau. Noong 2015, umabot ang populasyon ng Bissau sa 492,004.[1] Matatagpuan ang Bissau sa bunganga ng Ilog Geba, sa may Karagatang Atlantiko, at ito ang pinakamalaking lungsod, pangunahing daugnan, sentrong adminstratibo at militar sa Guinea-Bissau.

Agarang impormasyon Bansa, Lokasyon ...
Remove ads

Etimolohiya

Nagmula ang katawagang Bissau sa pangalang Itchassu (N'nssassu at Bôssassum sa kalaunan), na nangangahulugang "kasing-tapang ng jaguar", na posibleng tinutukoy ang mandirigmang pagtanaw ng mga naninirahan sa pulo ng Bissau, na ginagaya ang Aprikanong leopardo,[2] isang malaking pusang maninila, na kilala din sa bansa bilang "jaguar".[3] Sa paglipas ng panahon, nagsimulang maisulat ang Bôssassum bilang Bisão (o "São José de Bisão"), Bissao at sa wakas "Bissau".[2]

Bôssassu (o Itchassu) ang pangalan na binigay sa pamangkin ni Haring Mecca - ang unang soberanya ng pulo ng Bissau -, anak ng kanyang kapatid na si Pungenhum. Binuo ni Bôssassu ang pangunahing angkan ng mga taong papel at ang Kaharian ng Bissau, ang pangunahin sa bago ang kolonyal na mga estado sa pulo ng Bissau. Ang bassassum ay ang mga hari at maharlika (djagras) ng Kaharian ng Bissau.[4]

Remove ads

Kasaysayan

Itinatag ng Portugal ang lungsod noong 1687 bilang isang pinatibay na daungan at sentro ng kalakalan..[5] Noong 1942, naging kabisera ng Guineang Portuges.

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads