Binti

bahagi ng katawan From Wikipedia, the free encyclopedia

Binti
Remove ads

Sa karaniwang gamit, ang binti[1] o salap[2] ay ang mga pang-ibabang biyas[3] ng katawan ng tao o hayop, na umuusbong mula sa balakang patungong bukung-bukong, at kabilang ang hita, tuhod, at ang cnemis.[4] Ang femur ang pinakamalaki at pinakamahabang buto sa katawan ng tao na nasa loob ng binti,[5] na nakalatag sa pagitan ng tuhod at balakang,[6][7]

Agarang impormasyon Mga detalye, Latin ...

Ang binti ang mga pang-ibabang biyas na nagsisilbing panukod o suporta sa kabuoan ng katawan ng isang hayop, at nagagamit para sa paggalaw tulad ng paglakad at pagtakbo (o lokomosyon). Kadikit ito ng paa na nagsisilbing suporta sa pagkalat ng timbang ng isang hayop habang nakatayo sa lupa. Tinatawag na salap ang kabuoan ng pang-ibabang biyas mula sa hita hanggang sa dulo ng kuko ng mga daliri sa paa. Sa mga hayop na vertebrata at may dalawang mga paa, tinatawag ang dalawang pang-ibabang mga biyas bilang mga binti at ang mga pang-itaas na biyas bilang mga braso, o kaya mga pakpak sa kaso ng mga ibon o paniki.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads