Bluetooth
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Bluetooth technology ay isang sistema ng malapitang komunikasyon na hindi ginagamitan ng kable. Ang sistema ay binubuo ng RF transceiver, baseband at protocal stack. Ang Bluetooth ay isang teknolohiya na may maikling saklaw na pamantayang wireless na ginagamit para sa pagpapalitan ng datos sa pagitan ng mga nakatatag at mobile na elektronikong kagamitan sa maikling distansya at sa pagbuo ng mga personal area network (PANs). Sa pinaka-karaniwang gamit nito, ang kapangyarihan ng pagpapadala ay limitado sa 2.5 milliwatts, na nagbibigay dito ng napaka-maikling saklaw ng hanggang 10 metro (33 talampakan). Gumagamit ito ng UHF along radyo (radio waves) sa mga ISM bands, mula 2.402 GHz hanggang 2.48 GHz.[1]

Ang Bluetooth ay pinamamahalaan ng Bluetooth Special Interest Group (SIG), na may higit sa 35,000 mga kumpanya na miyembro sa mga larangan ng telekomunikasyon, computing, networking, at mga elektroniks para sa mga konsyumer. Ang Bluetooth ay binigyang pamantayan ng IEEE bilang IEEE 802.15.1 ngunit hindi na nito pinananatili ang pamantayang ito. Ang Bluetooth SIG ang namamahala sa pagbuo ng mga espesipikasyon, nag-aasikaso ng programa sa kwalipikasyon, at nagpoprotekta sa mga trademark.[2] Ang isang tagagawa ay dapat sumunod sa mga pamantayan ng Bluetooth SIG upang maibenta ito bilang isang Bluetooth na aparato.[3]
Remove ads
Implementasyon
Ang Bluetooth ay nagpapatakbo sa mga dalas sa pagitan ng 2.402 at 2.480 GHz, o 2.400 at 2.4835 GHz, kasama ang mga guard band na 2 MHz ang lapad sa ibabang bahagi at 3.5 MHz ang lapad sa itaas.[4] Ito ay nasa pangglobong di-lisensyadong (ngunit hinding-hindi reguladong) industriya, siyentipiko, at medikal (ISM) na 2.4 GHz na maikling saklaw na bandang dalasang radyo. Ang Bluetooth ay gumagamit ng teknolohiyang radio na tinatawag na frequency-hopping spread spectrum. Hinahati ng Bluetooth ang ipinapadalang datos sa mga pakete, at ipinapadala ang bawat pakete sa isa sa 79 na tinukoy na mga "Bluetooth channel". Bawat tsanel ay may bandwidth na 1 MHz. Karaniwan itong gumagawa ng 1600 na hops bawat segundo, na may nakabukas na adaptive frequency-hopping (AFH).[4] Ang Bluetooth Low Energy naman ay gumagamit ng 2 MHz na pagitan, na nagbibigay-daan sa 40 mga tsanel.[5]
Remove ads
Mga sanggunian
Kawing Panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads