Bolivia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Bolivia, opisyal na Estadong Plurinasyonal ng Bolivia, ay bansang walang pampang na matatagpuan sa Timog Amerika. Hinahangganan ito ng Chile at Peru sa kanluran, Paraguay at Arhentina sa timog, at Brasil sa hilaga at silangan. Sa lawak na 1,098,581 km2, ito ang ikalimang pinakamalaking bansa sa kontinente. Dalawa ang kabisera nito: ang ehekutibong La Paz kung saan makikita ang tanggapan ng pamahalaan; at ang hudisyal na Sucre batay sa konstitusyon. Ang pinakamalaking lungsod at pangunahing sentrong industriyal nito ay ang Santa Cruz de la Sierra.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads