Ang kamelya[1] (Tsino:茶花; pinyin:Cháhuā; Hapones: 椿 Tsubaki; Ingles: camellia) ay isang sari ng mga halamang namumulaklak sa pamilyang Theaceae, katutubo sa silangan at katimugang Asya mula sa Himalaya pasilangan patungong Hapon at Indonesia. Mayroong mga nabubuhay na 100–250 mga uri, ngunit may ilang kontrobersiya sa kung ilan talaga ang tiyak na bilang. Ipinangalan ang genus o sari ni Linnaeus sa Hesuwitangbotanikong si Georg Joseph Kamel. Isa itong palaging luntiang halaman na namumulaklak ng bulaklak na parang rosas at may matamis na halimuyak.[2]