Cavite–Laguna Expressway

From Wikipedia, the free encyclopedia

Cavite–Laguna Expressway
Remove ads

Ang Cavite–Laguna Expressway (kilala rin bilang CALAX[1][2][3] at CALAX) ay isang itinatayong mabilisang daanan na matatagpuan sa mga lalawigan ng Kabite at Laguna sa Calabarzon. Ang pagtatayo ng pang-apatang mabilisang daanan, na may habang 47 kilometro (29 na milya), ay mag-uugnay ng Manila–Cavite Expressway (CAVITEx) sa Kawit sa Palitan ng Mamplasan ng South Luzon Expressway (SLEx) at nagkakahalaga ng tinatayang 35.42 bilyon o US$787 milyon.[4] Kapag natapos, inaasahang mapapagaan nito ang daloy ng trapiko sa rehiyon ng Kabite at Laguna, lalo na sa kahabaan ng Lansangang Aguinaldo, Daang Santa Rosa–Tagaytay, at Daang Juanito R. Remulla Sr..[5]

Agarang impormasyon Cavite–Laguna Expressway (CALAX), Impormasyon sa ruta ...
Remove ads

Kasaysayan

Pagtatayo at groundbreaking

Thumb
Itinatayong CALAEx malapit sa Nuvali, Santa Rosa, Laguna (Hunyo 2018)

May apat na mga pre-qualified bidders na nakikipaligsahan sa proyektong CALAx: Alloy MTD Philippines Inc.; Team Orion, isang grupo ng AC Infrastructure Holdings Inc., AboitizLand, Inc., at Macquarie Infrastructure Holdings Philippines; MPCALA Holdings Inc.; at Optimal Infrastructure Development Inc. ng San Miguel Corporation.[6]

Noong Hunyo 12, 2014, nanalo sa bid ang Team Orion, ang sanibang sikap[note 1] ng Ayala Corporation at Aboitiz Equity Ventures na naglagay ng kabayarang konsesyon na ₱11.659 bilyon para sa proyektong public-private partnership (PPP) na ito. Hindi naging kuwalipikado ang Optimal Infrastructure sa kadahilanang nabigo ang bid security nito sa kinakailangang 180 araw alinsunod sa pamahalaan. Nakasaad sa sobreng halaga nito ang halagang pampinansiya na ₱20.105 bilyon.[7]

Kasunod ng dagliang pamamahinga ng proyekto, ipinasiya ng pamahalaan na muling i-bid ito upang matiyak na makakakuha ng pinakamagandang kasunduan ang pamahalaan. Nanalo ang konsorsiyum na MPCALA Holdings, na pinamunuan ng Metro Pacific Investments Corporation, nang pinadala nila ang kabayarang konsesyon na ₱27.3 bilyon na babayaran sa pamahalaan. Mas-mataas ito sa halagang ₱22.2 bilyon ng San Miguel.[8]

Ginanap ang groundbreaking ng proyekto noong Hunyo 19, 2017, at nagpatuloy ang pagkuha ng karapatan sa daan magmula noong Oktubre 2017.[9] Ayon sa isang pahayag ni Presidente Luigi Bautista ng MPCALA Holdings, inaasahang magsisimula ang pagtatayo ng bahaging Kabite ng mabilisang daanan sa Abril 2018.[10] Idinaos ang seremonyang groundbreaking para sa bahaging Kabite noong Marso 2019.[11][12][13] Samantala, inaasahan ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan (DPWH) na magbubukas ang bahaging Laguna pagsapit ng Oktubre 2019.[14] Sa kasalukuyan, bahagyang nakabukas ang bahaging Laguna at itinatayo pa rin ang bahaging Kabite. Kapuwang mga bahagi ay inaasahang matatapos at magbubukas nang lubusan pagsapit ng 2022, ayon sa isang pahayag ni Kalihim Mark Villar ng DPWH.[15]

Bahagyang pagbubukas (bahaging Mamplasan–Bulebar Laguna)

Madaraanan ang unang 7.4 na kilometrong kahabaan ng mabilisang daanan noong Oktubre 30, 2019 upang matugma sa Araw ng mga Santo. Binuksan ang mga pasukan at labasan ng Palitan ng Mamplasan sa Biñan at ng Daang Santa Rosa–Tagaytay upang maglingkod sa tinatayang 10,000 mga kotse. Ayon kay Kalihim Villar, mababawas ang oras ng paglalakbay sa 10 minuto mula sa dating 45 minuto.[16][17] Ngunit dapat na nabuksan na ang bahaging ito noong Disyembre 2018 o Pebrero 2019.[18]

Remove ads

Mga labasan

Mabibilang ang mga labasan ayon sa mga palatandaang kilometro, nasa Liwasang Rizal sa Maynila ang kilometro sero. 

Karagdagang impormasyon Lalawigan, Lungsod/Bayan ...
Remove ads

Talababa

  1. Sanibang sikap - Tagalog ng joint venture ayon sa glosbe.com/en/tl/joint%20venture

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads