Sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Tumutukoy ang sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas (Philippine highway network) sa sistemang lansangang bayan (o highway network) ng Pilipinas. Isa itong sistema ng mga pambansang daan na pagmamay-ari at pinapanatili ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), at nakaayos ang mga ito sa tatlong uri batay sa gamit o layon na pinaglilingkuran ng mga ito sa sistema: pambansang primera, pambansang sekundarya, at pambansang tersiyaryo.[1] Ang mga pambansang daan na nag-uugnay ng mga pangunahing lungsod ay nakabilang na N1–N49. Kadalasan ang mga ito ay mga pang-isahan at pandalawahang daanan (single at dual carriageways) na nag-uugnay ng tatlo o higit pang mga lungsod.[1]

Mula 2015, ang sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas ay may kabuuang haba na 19,162.72 kilometro (11,907.16 milya) ng mga kongkretong daan, 9,756.45 kilometro (6,062.38 milya) ng mga aspaltadong daan, 3,636.96 kilometro (2,259.90 milya) ng mga grabang daan, at 77.24 kilometro (47.99 milya) ng mga lupang daan.[1] Ayon sa isang ulat mula sa Bangko sa Pagpapaunlad ng Asya noong 2011, ang haba ng sistemang lansangan sa Pilipinas ay maihahalintulad sa karamihan sa mga umuusbong na karatig-bansa sa Timog-Silangang Asya. Ngunit nahuhuli ang bansa sa mga karatig-bansa nito kung ibabatay sa kalidad ng sistema (tulad ng porsyento ng mga patag na daan o paved roads at porsyento ng mga daan na nasa maayos na kalagayan).[2]

Remove ads

Pag-uuri

Ang mga pambansang daan sa Pilipinas ay binukod ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) sa tatlong uri sa ilalim ng Batas Republika Blg. 917 (na kilala rin bilang Philippine Highway Act) na nilagdaan ni dating Pangulo Elpidio Quirino noong 20 Hunyo 1953, at ng serye ng mga memorandum na inilabas ng DPWH sa pagitan ng 2009 at 2014.[1][3]

Pambansang Pangunahing Daan

Ang mga pambansang pangunahing daan (national primary roads) ay mga daan na bumubuo bilang bahagi ng pangunahing katawan ng sistema at direktang nag-uugnay ng tatlo o higit pang mga pangunahing lungsod at kalakhan (metropolitan area) na may populasyon na di-bababa sa 100,000. Ang mga ito ay nakabukod pa sa mga sumusunod: north–south backbone, east–west lateral, at mga ibang daan na may kahalagahan.[1] Tumutukoy ang north-south sa pangunahing daang-gulugod ng bansa, ang Pan-Philippine Highway (N1, na nakatalaga rin bilang Asian Highway 26 o AH26 AH26), na dumadaan mula Laoag sa hilagang Luzon papuntang Lungsod ng Zamboanga sa katimugang Mindanao. Inuugnay nito ang mga pulo ng Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao. Ang mga daang east–west lateral ay mga daan na bumabagtas sa gulugod na ito at dumadaan mula silangan-pakanluran sa iba't ibang mga pulo. Ang mga ibang daan na may kahalagahan ay nagbibigay ng daan papunta sa mga ibang pook na mahalaga sa kaunlaran at impraestruktura ng mga rehiyon.[1]

Pambansang Sekundarya

Ang mga pambansang daang sekundarya (national secondary roads) ay mga daan na nagpupuno sa mga primerang daan at nagbibigay ng daan sa mga ibang sentro ng populasyon. Direktang inuugnay ng mga ito ang mga maliliit na lungsod at panlalawigang kabisera, paliparan, daungan/pantalan, at sentrong panturista sa mga daang primera.[1]

Pambansang Tersiyaryo

Inilunsad noong 2014 ang ikatlong klasipikasyon sa mga lansangan: ang mga pambansang daang tersiyaryo (national tertiary roads). Kabilang rito ay mga ibang daan na may lokal na gamit (local function) at pinamamahalaan ng DPWH.[1]

Remove ads

Mga nakanumerong ruta

Thumb
Isang palatandaan para sa mga pambansang daang primera.
Thumb
Isang palatandaan para sa mga pambansang daang sekundarya.

Ang mga pambansang daan sa Pilipinas ay nakamarka ng mga highway shield na hugis-pentagon at may kulay na itim-sa-puti, batay sa highway shield na ginagamit ng mga Pambansang Ruta sa Australya (ang bahagyang pagkakaiba ay ang ginagamit na tipong-mukha sa mga shield na Clearview). Sa ilalim ng Sistemang Pamilang ng Ruta ng DPWH, ang mga lansangang nakanumero na N1 hanggang N11 ay mga pangunahing ruta o koridor, tulad ng mga pambansang daang primera na nag-uugnay ng tatlo o higit pang mga lungsod. Ang ibang mga daang primera na nag-uugnay ng dalawang lungsod ay nakanumero na N51 hanggang N82.[1]

Ang mga pambansang daang sekundarya ay nakatakda ng mga tatlong tambilang (digit) na numero kung saan ang unang tambilang ay nakabagay sa numero ng daang primera na inuugnay nito. Sa kaso ng daang sekundarya na nag-uugnay ng higit sa isang daang primera, ang unang tambilang nito ay ang daang primera na may mas-mababang numero.

Sa Kalakhang Maynila, may isang lumang sistema ng pag-nunumero ng mga ruta na isinasagawa kasama na ang sistema ng DPWH. Binuo ito noong 1945, at naglalaman ng sampung (10) daang radyal (radial roads) na nagsisilbing mga daang papasok at palabas ng Lungsod ng Maynila, at anim (6) na daang palibot (circumferential roads) na naglilingkod bilang mga beltway (o daang lumilibot) sa lungsod.

Mga may bilang na ruta

Magmula noong taong 2015, ang sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas ang mga sumusunod na ruta:[4]

Mga daang primera

Karagdagang impormasyon Imahe, Ruta ...
Talababa
  1. Bagamat itinalaga itong Daang Maharlika mula Laoag hanggang Lungsod ng Zamboanga, may ilang mga bahagi ng lansangan na may pampook na mga pangalan, tulad ng Daang Davao–Digos para sa bahaging Lungsod ng Dabaw–Digos.

Mga daang sekundarya

Karagdagang impormasyon Imahe, Ruta ...

Mga daang tersiyaryo

Mga walang bilang na ruta

Karagdagang impormasyon Imahe, Rehiyon ...
Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads