Cebu (pulo)

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang Cebu ay isang pulo sa Kabisayaan sa Pilipinas. Ito ang pangunahing pulo ng lalawigan ng Cebu sa gitna ng Kabisayaan, 365 milya (587 km) timog ng Maynila.

Agarang impormasyon Heograpiya, Lokasyon ...

Matatagpuan ang pulo sa silangan ng Pulo ng Negros; sa kanluran ng Leyte at sa hilagang kanluran ng Pulo ng Bohol. Matatagpuan ang Cebu sa pagitan ng 9°25'H at 11°15'H latitud at sa pagitan ng 123°13'S and 124°5'S longhitud sa gitna ng kapuluan.

Ang pulo ng Cebu ay isang mahabang makitid na pulo na may habang 225 km (140 mi) mula hilaga hanggang timog, na napalilibutan ng mga maliliit na kalapit na kapuluan, kasama ng Pulo ng Mactan, Bantayan, Malapascua, Olango at ng Kapuluan ng Camotes.

Kilala ang pulo bilang pook ng kamatayan ni Fernando de Magallanes sa Labanan sa Mactan. Kaanib ni Magallanes ang hukbong Kastila sa paglaban kay Lapu-Lapu, isang Bisayang Datu.

Ang Lungsod ng Cebu ang pinakamalaking lungsod sa pulo at ang kabisera din ng lalawigan ng Cebu. Matatagpuan ang Lungsod ng Cebu sa gitnang bahagi ng pulo, sa silangang baybayin, na nakaharap sa pulo ng Bohol.

Remove ads

Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads