Negros

pulo sa Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang Negros ay isang pulo sa Pilipinas na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Kabisayaan. Ikatlong pinakamalaking pulo sa Pilipinas ang Negros na may sukat na 13,328 metro kkilouwadrado (5,146 sq mi). Tinatawag na mga Negrenses ang mga naninirahan dito.

Agarang impormasyon Heograpiya, Lokasyon ...
Remove ads

Heograpiya

Nahahati ang pulo ng Negros sa dalawang lalawigan: ang Negros Oriental at Negros Occidental, na bahagi ng Rehiyon ng Pulo ng Negros. Sinusundan ng pagkakahating ito ang bulubundukin sa gitna ng pulo, na humahati rin sa dalawang pangkat etno-lingwistiko. Ang kanlurang bahagi (Occidental) ay Mga Ilonggo o mga Negrenseng nagsasalita ng Hiligaynon, at ang silangang bahagi (Oriental) ay tirahan ng mga Negrenseng nagsasalita ng Cebuano.

Kilala ang pulo ng Negros bilang pangunahing prodyuser ng asukal. Maraming mga pagawaan ng tubo sa mga pook agrikultural ng pulo. Nakakagawa rin ang pulo ng mga bulak.

Ang Bulkang Kanlaon sa hilagang bahagi ng pulo ay isa sa pinaaktibong bulkan sa Pilipinas. Ito rin ang pinakamataas na bahagi ng lupa sa pulo at sa Kabisayaan.

Remove ads

Mga sanggunian

Mga kawing na panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads