Cherie Gil

Pilipinong aktres From Wikipedia, the free encyclopedia

Cherie Gil
Remove ads

Si Evangeline Rose Gil Eigenmann (pagbigkas sa Tagalog: [ˈhil ˈaɪɡɛnmɐn], Hunyo 21, 1963 – Agosto 5, 2022), mas kilala sa kanyang pangalang pang-entablado na Cherie Gil, ay isang artista mula sa Pilipinas. Naging artista siya sa telebisyon, pelikula at teatro simula pa noong nasa 9 na taon gulang siya. Pinakakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Lavinia Arguelles sa Bituing Walang Ningning kung saan binitiw niya ang ikonikong linyang "You're nothing but a second-rate, trying hard copycat!" kay Diorina, ang karakter ni Sharon Cuneta.[2] Pumanaw si Cherie Gil sa edad na 59 sa New York, Estados Unidos mula sa sakit na kanser.

Agarang impormasyon Kapanganakan, Kamatayan ...
Remove ads

Pansariling buhay

Si Cherie Gil ay anak ng mga Pilipinong mang-aawit-aktor na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil, at kapatid ng kapwang artista na sina Michael de Mesa at Mark Gil. Dati siyang kasal kay Rony Rogoff, isang biyolinista; nagkaroon sila ng dalawang anak, sina, Bianca at Raphael.[3] Ang panganay niyang anak na si Jeremiah David (Jay), ay anak niya sa aktor na si Leo Martinez.[4]

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads