Elemento (kimika)

From Wikipedia, the free encyclopedia

Elemento (kimika)
Remove ads

Sa kapnayan, ang elemento (mula sa Espanyol: elemento) o mulangkap (mula sa mulaan + sangkap)[1] ay isang sangkap na naglalaman ng mga mulapik na pare-pareho ang bilang ng mga mulasik. Ang bilang na ito ay tinatawag na mulpikning bilang ng elemento. Halimbawa, ang lahat ng atom na may 6 na mulasik sa kanyang butod ay mulapik ng elementong karbon, at ang lahat ng mga atom na may 92 mulasik sa kanilang butod ay atom ng elementong uranium.

Thumb
Ang talaang peryodiko ng mga elementong kimikal.

Mayroong 118 mulangkap, mula haydrohen (na nagtataglay ng isang mulasik) hanggang oganeson (na mayroong 118 mulasik).

Ang pinakamakisig na pagpapakita ng mga elemento ay ang talaulitan ng mga mulangkap. Ito ay nagpapangkat sa mga elementoayon sa pagkakahawig sa katangian. Matutunghayan rin sa talaulitan ang mga mulangkap ayon sa pangalan, simbolo o mulpikning bilang.

Dahil sa ang bilang ng mga mulasik sa butod ang nagdidikta sa bilang ng dagisik sa palibot ng butod at nang kaniyang katangian, at dahil sa ang mga electron ang panglabas na bahagi ng mulapik (ang bahaging rabaw na nakikita ng sanlibutan), ang pagkakakilanlan ng isang elemento ang nagdidikta kung paano ito makikipagsanib sa ibang kemikal. May ilang banayad na pagbabago sa katangiang kemika ang idinudulot ng bilang ng awansik sa nucleous ng halos ‘iisang’ elemento.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads