Karaniwang Panahon (kalendaryong Gregoryano)
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Karaniwang Panahon (Ingles: Common Era o CE) ay isa sa mga notasyon ng taon na ginagamit para sa kalendaryong Gregoryano (at hinalinhan nito, ang kalendaryong Huliyano), ang pinakaginagamit na panahon sa kalendaryo sa buong mundo. Ang Bago ang Karaniwang Panahon (Ingles: Before the Common Era o BCE) ay ang panahon bago ang CE. Alternatibo ang BCE at CE sa mga notasyon ni Dionysius Exiguus na BC at AD, ayon sa pagkakabanggit. Pinagkakaiba ng panahong Dionisiyako ang mga panahon na gamit ang mga notasyong BC (Bago si Kristo o "Before Christ") at AD (Latin: Anno Domini, sa taon ng Panginoon).[1] Numerikong magkatumbas ang dalawang sistema ng notasyon: "2025 CE" at "AD 2025" na nilalarawan ang kasalukuyang taon; parehong taon naman ang "400 BCE" at "400 BC."[1][2] Ginagamit ang kalendaryong Gregoryano sa buong mundo ngayon, at isang pandaigdigang pamantayan para sa mga kalendaryong sibil.[3]
Mababakas ang ekpresyon noong 1615, nang unang lumabas ito sa aklat ni Johannes Kepler bilang Latin: annus aerae nostrae vulgaris (taon ng ating karaniwang panahon),[4][5] at noong 1635 sa Ingles bilang "Vulgar Era" (Panahong Bulgar).[a] Matatagpuan ang katawagang "Common Era" sa Ingles noong 1708 sa pinakamaaga,[6] at naging laganap ang paggamit noong kalagitnaan ng ika-19 na dantaon ng mga relihiyosong paham na Hudyo. Simula noong huling bahagi ng ika-20 dantaon, naging popular ang CE at BCE sa akademiko at siyentipikong publikasyon bilang nyutral na katawagang relihiyoso.[7][8] Ginagamit ang mga ito ng iba na nagnanais na maging sensitibo sa hindi Kristiyano sa pamamagitan ng hindi tahasang pagtukoy kay Jesus bilang "Kristo" ni hindi Dominus ("Panginoon") sa pamamagitan ng paggamit ng ibang daglat.[9][10][b][c]
Remove ads
Mga pananda
- Pinaikl ang AD mula sa anno Domini nostri Jesu Christi ("sa taon ng Ating Panginoong Jesucristo").[11]
- Dalawang iba pa na mga sistema na hindi gumagamit ng mga pamagat na relihiyoso, ang sistemang pang-astronomiya at ang pamantayang ISO 8601, na gumagamit ng serong taon. Ang taon na 1 BCE (na kapareho sa taon na 1 BC) ay kinakatawan ng 0 sa sistemang pang-astronomiya, at 0000 sa ISO 8601. Sa kasalukuyan, kinakailangan sa pagpepetsa sa ISO 8601 na gumamit ng kalendaryong Gregoryano para sa lahat ng petsa, samantalang pinapahintulot ng pagpepetsang pang-astronomiya at pagpepetsa sa Karaniwang Panahon ang paggamit ng mga kalendaryong Gregoryano o Huliyano.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads