Cronus
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Cronus o Kronos[1] ay isang Titan (mitolohiya) sa mitolohiyang Griyego. Sa mitolohiyang Romano, kilala siya bilang ang bathalang si Saturno. Sa Romanong Saturno ibinatay ang pangalan ng planetang Saturno.[2] Siya ang pinuno ng mga higanteng Titano o Titan, at asawa ng kanyang reyna at kapatid na babaeng si Rhea (o Ops sa Romano). Batay sa mitolohiyang Griyego at Romano, si Cronus at ang kanyang mga kasamang Titano ang nakapagpalayas sa mga halimaw na dating nananahan sa kanilang mitolohikong mundo. Sa pagpapatuloy ng salaysay, napag-alaman ni Cronus na mapapalitan siya sa pagkahari ng isa sa kanyang magiging mga anak. Kaya't nilulunok niya ang mga ito, sa bawat pagkakataon magsisilang si Rhea, upang mapigilan ang kanyang pagkagapi. Nalunok niyang lahat ang kanyang mga naging anak kay Rhea, maliban na lamang sa kay Zeus (o Hupiter sa Romano) na itinago ni Rhea sa pulo ng Creta sa Gresya. Sa halip ang nalunok ni Cronus ay isang batong ibinalot ni Rhea sa isang kasuotan.[3]

Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads