Tsipre

From Wikipedia, the free encyclopedia

Tsipre
Remove ads

Ang Tsipre (Griyego: Κύπρος, tr. Kýpros; Turko: Kıbrıs), opisyal na Republika ng Tsipre, ay bansang pulo na matatagpuan sa silangang bahagi ng Dagat Mediteraneo. Bagama't heograpikal na nasa Kanlurang Asya, nakahanay ang mga ugnayang kultural at politikal nito sa Timog-Silangang Europa. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Nikosya.

Agarang impormasyon Republika ng Tsipre, Kabisera at pinakamalaking lungsod ...
Remove ads

Kasaysayan

Thumb
Pagtataas ng watawat ng Britanya sa Nicosia

Ang Tsipre ay sinakop ng Britanya mula sa Turkiya noong 1914. Noong 1925, sinimulan itong pamunuan ng Britanya bilang isang kolonya at ito'y pinamunuan ng isang gobernador. Nang mga bandang 1950s, dinamanda ng mga Grekong-Cypriot ng enosis (isang kasunduan na magtatalaga na maging parte ang teritoryo ng bansang Gresya). Ang dimandang ito ay tinanggihan naman ng mga Turkong-Cypriot. Dahil dito, nagkaroon ng pag-atake ang mga gerilya at napilitang tumakas ang relihiyosong pinuno ng mga Grekong-Cypriot na si Makarios III.[11]

Sa huli, pinagkasunduan ng Britanya, Gresya, at Turkiya na kailangang maging ganap na bansa ang Tsipre, kasama na ang pagpapanatili ng kapayapaan sa pagitan ng mga Greko at Turkong komunidad s sa loob ng bansa. Noong 1960, si Arsobispo Makarios ang unang naging pangulo ng Tsipre.[11]

Noong 1974, nahati sa dalawa ang bansang Tsipre: Hilagang Tsipre, at Republika ng Tsipre. Ito ay dahil sa hindi natatapos na alitan sa pagitan ng mga Grekong-Cypriot at Turkong-Cypriot.[12]

Remove ads

Mga teritoryong pampangasiwaan

  1. Distrito ng Nicosia

Tingnan din

Mga nota

  1. The vice presidency is reserved for a Turkish Cypriot. However the post has been vacant since the Turkish invasion in 1974.[2]
  2. Including Northern Cyprus, the UN buffer zone and Akrotiri and Dhekelia.
  3. Government-controlled areas of the Republic of Cyprus.
  4. The .eu domain is also used, shared with other European Union member states.

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads