DWEB
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang DWEB (99.9 FM) ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Filipinas Broadcasting Network. Ang estudyo at transmiter ay matatagpuan sa Municipal Public Market, Brgy. San Antonio, Poblacion, Nabua.[1][2]
Remove ads
Kasaysayan
Itinatag ang DWEB noong 1980 sa Naga. Ito ang kauna-unahang himpilan sa FM sa lalawigan ng Camarines Sur. Noong dekada 90 at 2000, umere ito ng modern rock na format bilang 99.9 WEB.
Noong 2010, lumipat ito sa Nabua, kung saan muli ito inilunsad bilang Radyo Rinconada sa ilalim ng Bicol Media Network Group.[3]
Noong Pebrero 3, 2022, kinuwestiyon ng NTC Region V ang lugar ng pagsasahimpapawid ng DWEB noong nasa Brgy. Tabuco, Naga, Camarines Sur ang tahanan nito, ayon sa mga dokumento nito. Nawala ito sa ere mula Pebrero 12 hanggang 18, nung bumalik ito sa ere bilang DWEB.
Remove ads
Mga pangyayari
Dalawang personalidad ng DWEB ang napatay sa loob ng isang taon. Noong Hulyo 9, 2010, pinaslang ng isang umano'y miyembro ng New People's Army si Miguel Belen. Noong Hunyo 13, 2011, pinaslang si Romeo Olea matapos makatanggap ng mga banta ng kamatayan para sa kanyang matalas na komentaryo sa pulitika sa kanyang programang "Anything Goes".[4][5]
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads