DYBM
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang DYBM (99.1 FM), sumasahimpapawid bilang Yuhum Radio 99.1, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Mareco Broadcasting Network at pinamamahalaan ng RYU Group of Companies. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa GM Cordova Ave., Brgy. Mandalangan, Bacolod.[1]
Remove ads
Kasaysayan

Itinatag ang himpilang ito noong Pebrero 1997 bilang 99.1 Crossover.[2][3] Noong panahong yan, nasa Mountain View Subdivision, Mandalagan District ang una nitong tahanan.[4] Ito ay may parehong format tulad ng sa Maynila, isang makinis na jazz [3] na may pinaghalong pop-jazz at R&B, at nagpapalabas ng oras-oras na internasyonal na balita mula sa CNN . [4]
Noong Nobyembre 16, 2020, opisyal na inilunsad ang mga himpilang panrehiyon ng MBNI bilang Q Radio at meron itong Top 40 na format. Bukod sa pagkakaroon ng sariling local programming, nag-simulcast din ito ng ilang programa mula sa punong himpilan nito sa Maynila. Bago nito, kinuha ng Horizon of the Sun Communications (mga producer ng Chinatown TV) ang operasyon ng mga himpilan ng MBNI.
Noong Hunyo 19, 2023, naganunsyo ang Q Radio na mamamaalam ito sa ere sa katapusan ng buwan na yan dahil sa mga problemang pinansyal at kakulangan ng suporta mula sa mga advertisers nito.[5] [6]
Sa unang bahagi ng buwang iyon, kinuha ng RYU Group of Companies ni Ramel Uy ang mga operasyon ng himpilang ito. Noong Agosto 13, 2023, muli ito inilunsad bilang Yuhum Radio na may pang-masa na format.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads