DYCP

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang DYCP (90.3 FM), sumasahimpapawid bilang 96.7 XFM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Southern Broadcasting Network at pinamamahalaan ng Y2H Broadcasting Network. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa Puentebella Subdivision, Brgy. Taculing, Bacolod.[1][2]

Agarang impormasyon Pamayananng lisensya, Lugar na pinagsisilbihan ...
Remove ads

Kasaysayan

Itinatag ang DYCP noong 1993. Noong 2001, naging Music Now ito na may Top 40 na format.

Noong huling bahagi ng 2003, naging Mom's Radio 90.3 na may format na nagsisilbi para sa mga babae, lalo na sa mga nanay. Noong 2010, naging DYCP muli ito na tumutugtog lamang ng iba't ibang musika.

Noong Nobyembre 2015, bumalik sa ere ang Mom's Radio, na sumahimpapawid ito mula sa Maynila sa ilalim ng pamamahala ng Estima, Inc. Noong Pebrero 25, 2018, nawala ulit ito sa ere dahil sa problemang pangpinansyal.[3][4]

Noong Nobyembre 2022, kinuha ng Y2H Broadcasting Network ang mga operasyon ng himpilang at ginawa itong XStream FM, na may pang-masa na format. Noong 2023, naging Solid FM ito. Noong Nobyembre 18, 2024, naging riley ito ng 96.7 XFM. Noong Hulyo 18, 2025, lumipat ang operasyon ng XFM sa talapihitang ito, habang naging riley ang dati nitong talapihitan.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads