DZRJ-FM
himpilan ng radyo sa Kalakhang Maynila, Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang DZRJ (100.3 FM), sumasahimpapawid bilang 100.3 RJFM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahala ng Rajah Broadcasting Network Ang estudyo nito ay matatagpuan sa 7849 General Luna Street cor. Makati Avenue, Brgy. Poblacion, Makati, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Merano Street, Barangay San Roque, Antipolo.
Remove ads
History
Itinatag ang himpilang ito bilang DZUW-AM sa talapihitan ng 1310 kHz sa AM. Noong 1973, lumipat ito sa FM sa pamamagitan ng 100.3 MHz. Noong 1980, naging 100.3 Wink FM ito at nagpalit ito ng call letters sa DWNK-FM.[1]
Noong 1986, sa pagtapos ng Rebolusyong EDSA ng 1986, nagpalit ang DZRJ-AM ng format sa halong balita at talakayan bilang Radyo Bandido. Samantala, lumipat ang album rock na format sa 100.3 FM bilang RJFM: The Original Rock and Roll Radio. Nagpalit ito ng call letters sa DZRJ-FM.[2]
Noong Disyembre 1995, naging Boss Radio ito na may classic rock na format, na nagpatugtog musika mula sa dekada 50, 60 at 70. Kabilang sa mga personalidad ng himpilang ito ay sina Eddie Mercado, Bong Lapira, Lito Gorospe, Larry Abando, Manny Caringal, Ronnie Quintos, Naldi Castro at Cito Paredes. By this time, it officially launched its nationwide satellite broadcasting, a first in the history of the company to achieve this milestone.[3][4]
Noong Hunyo 1999, naging The Hive ito na may alternative rock na format.[5]
Noong Mayo 6, 2002, naging RJFM ito na may variety hits na format, na nagpapatugtog ng musika mula sa dekada 60 hanggang sa kasalukuyang araw. Tuwing Linggo, nagpapatugtog ito ng musika mula sa dekada 50 at 60. Meron itong programa na Beatles Anthology, kung saan nagpapatugtog ito ng Beatles isang oras tuwing umaga.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads