Distritong pambatas ng Bukidnon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang mga Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Bukidnon, Una, Ikalawa, Ikatlo at Ikaapat ang mga kinatawan ng lalawigan ng Bukidnon sa mababang kapulungan ng Pilipinas.
Kasaysayan
Ang kasalukuyang nasasakupan ng Bukidnon ay dating kinakatawan ng Departamento ng Mindanao at Sulu (1917–1935).
Ang mga botante ng Bukidnon ay nabigyan ng karapatang maghalal ng sariling kinatawan sa bisa ng Artikulo VI, Seksyon 1 ng Konstitusyon 1935.
Noong panahon ng Ikalawang Republika, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lalawigan sa Kapulungang Pambansa. Nang manumbalik ang Komonwelt, napanatili ng lalawigan ang solong distrito nito.
Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon X sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng dalawang assemblymen at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, hinati sa tatlong distritong pambatas ang lalawigan noong 1987.
Sa bisa ng Batas Pambansa Blg. 10184 na naaprubahan noong Setyembre 28, 2012, muling hinati sa apat na distritong pambatas ang Bukidnon. Inilipat ang Kalilangan at Pangantucan mula sa unang distrito at Lungsod ng Valencia mula sa ikalawang distrito upang buuin ang ikaapat na distrito. Ang mga binagong distrito ng lalawigan ay nagsimulang maghalal ng kinatawan noong eleksyon 2013.
Remove ads
Unang Distrito
- Munisipalidad: Baungon, Libona, Malitbog, Manolo Fortich, Sumilao, Talakag
- Populasyon (2015): 302,272
1987–2013
Remove ads
Ikalawang Distrito
- Lungsod: Malaybalay
- Munisipalidad: Cabanglasan, Impasug-ong, Lantapan, San Fernando
- Populasyon (2015): 374,395
1987–2013
- Lungsod: Malaybalay (naging lungsod 1998), Valencia (naging lungsod 2000)
- Munisipalidad: Cabanglasan, Impasug-ong, Lantapan, San Fernando
Ikatlong Distrito
- Munisipalidad: Damulog, Dangcagan, Don Carlos, Kadingilan, Kibawe, Kitaotao, Maramag, Quezon
- Populasyon (2015): 450,839
Remove ads
Ikaapat na Distrito
- Lungsod: Valencia
- Munisipalidad: Kalilangan, Pangantucan
- Populasyon (2015): 287,720
Solong Distrito (defunct)
Notes
- Itinalaga ng Gobernador-Heneral sa Unang Kongreso ng Komonwelt.
- Pumanaw noong Oktubre 12, 1946.
- Nanalo sa espesyal na eleksyong ginanap noong Marso 11, 1947.
- Itinalagang Kalihim ng Agrikultura noong 1960; nanatiling bakante ang posisyon hanggang matapos ang Ikaapat na Kongreso.
Remove ads
At-Large (defunct)
1943–1944
1984–1986
Tingnan din
Sanggunian
- Philippine House of Representatives Congressional Library
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads