Dominyo ng Satsuma

Dominyong piyudal ng Hapon noong panahong Edo From Wikipedia, the free encyclopedia

Dominyo ng Satsuma
Remove ads

Ang Dominyo ng Satsuma (薩摩藩, Satsuma-han), na kilala rin bilang Dominyo ng Kagoshima (鹿児島藩, Kagoshima-han), ay isa sa mga dominyo (, han) ng bansang Hapon noong panahong Edo. Ito ay nakalugar sa mga lalawigan ng Satsuma at Ōsumi na parehong bumubuo sa kasalukuyang prepektura ng Kagoshima, at bahagi ng Hyūga na ngayon ay ang prepektura ng Miyazaki sa pulo ng Kyushu.[1] Ang dominyong ito ay pinamunuan ng angkan ng Shimazu mula sa katapusan ng ika-12 siglo[2] hanggang sa tinanggal ang sistemang han nang manumbalik ang Emperador Meiji sa pamumuno at palitan ito ng sistemang prepektura noong 1871.

Agarang impormasyon Transkripsyong Hapones, • Kana ...

Kilala ang dominyong ito sa naging papel nito bilang kalahati ng Alyansang Satchō (薩長同盟, Satchō dōmei), kasama ang Dominyo ng Chōshū (長州), na nanguna sa pagpabagsak sa Kasugunang Tokugawa sa Digmaang Boshin noong 1868.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads