Dwayne Johnson
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Dwayne Douglas Johnson (ipinanganak Mayo 2, 1972), na kilala din bilang The Rock,[2] ay isang Amerikanong artista, prodyuser at retiradong propesyunal na mambubuno.[3][4] Nakilala bilang isa sa mga pinakamahusay na propesyunal na mambubuno sa lahat ng panahon,[5][6] nambuno siya para sa World Wrestling Federation (WWF, WWE na ngayon) sa loob ng walong taon bago naging isang artista. Kumita ang kanyang mga pelikula na lalagpas sa $3.5 bilyon sa Hilagang Amerika at $10.5 bilyon sa buong sanlibutan,[7] na ginagawa siya bilang isa sa mga mataas kumita ang pelikula at mataas ang suweldo bilang artista sa buong mundo.[8][9]
Manlalaro si Johnson ng Amerikanong putbol sa kolehiyo sa Unibersidad ng Miami, na kung saan nanalo ang kanyang koponan sa pambasang kampeonato noong 1991. Hinangad niya ang propesyunal na karera sa putbol at pinasok ang 1995 NFL Draft, subalit hindi na-draft. Pumirma siya sa Calgary Stampeders ng Canadian Football League (CFL), subalit tinanggal siya sa koponan noong unang season. Daglian pagkatapos noon, nagsimula siya magsanay bilang isang propesyunal na mambubuno.[10]
Remove ads
Natatanging mga galaw
- Pamuksa
- The People's Elbow
- Rock Bottom
- Running shoulderbreaker - 1996
- Sharpshooter
- Mga natatanging galaw
- Float-over DDT
- Flowing snap DDT
- Running swinging neckbreaker
- Running thrust lariat
- Samoan drop
- Sharpshooter
- Spinebuster
- Snap overhead belly-to-belly suplex
- Mga palayaw
- "Rocky"
- "The People's Champion"
- "The Great One"
- "The Brahma Bull"
- "The Most Electrifying Man in Sports Entertainment"
- Nakilala siya sa mga pinasikat na linya kagaya ng
- "If you smell... what The Rock is cooking!!!"
- "The jabroni beating, pie eating, trail blazing, heart stoping, elbow dropping, the people's champ... The Rock!!!"
- "Finally... The Rock has come back to (pangalan ng lugar)!!!"
Remove ads
Mga kampeonato at mga nagawa
- World Wrestling Entertainment
- 2-times WCW/World Championship
- 8-times WWF/E Championship
- 2-times WWF Intercontinental Championship
- 5-times WWF Tag Team Championship , kasama sina Mankind (3), The Undertaker (1), Chris Jericho (1)
- 2000 Royal Rumble winner
- Ika-anim na Triple Crown Championship
- Slammy Award for New Sensation (1997)
- Slammy Award for Game Changer of the Year (2011) – with John Cena
- Slammy Award for Guess Who's Back or: Return of the Year (2011)
- Slammy Award for LOL! Moment of the Year (2012)
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads
